Ang artikulong ay isinulat ko noong isang taon, sa paniniwalang naging ganito ang aking pananaw sa mga nangyaring hiwalayan noon ng ilan sa aking mga mababait na kaibigan. Una itong nailathala sa aking dating Multiply account, at sa ngayon, itinatanggi kong ito na ang perspective ko pagdating sa mga hiwalayan. Enjoy!
—
Siguradong lahat tayo ay nakaranas na ng break-up, ito man ay sitwasyong nakipag-break ka o siya ang nakipag-break sa’yo.
“Breaking Up Is Hard To Do“.
Naniniwala ako sa sinasabi ng sikat na kantang ito ng The Carpenters. Mahirap talagang magsara ng isang relasyon kung talagang napamahal sa’yo nang sobra ang taong iyon. Maraming dahilan ang hiwalayan na umaabot pa sa puntong hindi pagkakaintindihan at pagsisiraan nang dalawang partido, hanggang sa tuluyan na silang maghiwalay ng landas.
BREAKING UP (ellipses)
Naranasan ninyo na bang maging ganito ang past relationships ninyo? Yung tipong natapos na ang lahat, pero hindi mo akalain, may karugtong pa pala?
LOVE IS LOVELIER THE SECOND TIME AROUND
TADHANA mismo ang maglalapit sa inyong dalawa.
Most of the relationships na nasisira ay hindi na talaga nauuwi sa magandang samahan. Pero don’t you think kung bakit nagkakaroon ng balikan ang isang nasira na’ng pagmamahalan?
Naayos na ang problema. – Nagkahiwalay dahil nagkaroon ng problemang personal noon. Hindi ba nakatulong ang partner para kahit papaano’y ma-resolba o gumaan ang problema?
Bumalik ang nararamdaman. – Nung manawa ka sa relationship ninyo, pinili mo “kunwari” na kailangan mo munang mag-isip-isip kung mahal ka ba talaga niya. Pero ang totoo, humanap ka lang nang mas “sweet at malinamnam” kaysa kanya. Pero kapag nagsawa na rin sa mga ipinalit at na-realize mong mahal ka talaga nang iniwan niya, babalikan mo siya.
May inunang priority. – That means, you are a lesser priority within your romantic timeframe. Simple lang – wala ka sa red alert list niya pagdating sa atensyon.
Bakit ka nakipag-break kung makikipagbalikan ka rin? Isa lang ang ibig sabihin nun, sa isang relasyon, choosy din tayo. Nasa atin na nga ang pagmamahal, naghahanap ka pa ng iba pag hindi sapat. Pero kung wala ka na’ng nahanap, babalik ka sa kanya.
Kung ganito ang balak mong gawin, sayang, sana hindi mo na lang siya iniwan, dahil baka siya ang masuwerteng makahanap nang mas higit pa sa’yo.
…
April 03, 2009, Intramuros, Manila
LemOrven
kapag hindi ka involve sa hiwalayang iyon madali ngang sabihin kasi un na ang pinakapraktikal gawin ang to move on ika nga. Pero minsan kailangan talagang maghiwalay para makahinga, at tama ka isa itong sugal dahil di mo alam kung me babalikan ka pa o wala na kapag nahimasmasan ka na. Kung meron pa e di tuloy ang ikot ng relasyon, kung wla naman na, it’s really time to move on.
Redfieryheart lang po nangangapitbahay. kung masisilip niyo din ang aking bahay ay ikinagagalak kong kayo ay patuluyin.
tama ka dyan. salamat sa pagbasa. sana patuloy mo itong tangkilikin.#redfieryheart
ps. paumahin. hindi ko sinasadyang mabura ang puna mo. nagagalak ako sa iyong pagpuna. nagagalak din akong bisitahin ang iyong tahanan. =)