In-Love Ka Ba?

Isang dedication o masasabi kong “pasaring ” sa dating sumira ng buhay ko. Hindi ito ang original title, at in-edit ko ang ibang parte na medyo hindi appropriateFirst published online September of 2007. Enjoy!

Sorry for those who cannot understand Tagalog, because it’s too complicated (hahaha!) There are some English phrases and/or sentences, but it’s appropriate to write this today’s blog in Filipino (I dunno why… basta!) And one thing… “Sir” (yeah… it’s you!), hope you understand those messages that I’m going to indicate here…

Kapag confused sa love ang isang tao, mahirap sagutin ng “oo” o “hindi” ang kanyang tanong (“kanya” refers, of course, to your “someone”). Minsan nga, hirap makaintindi ng mga bagay-bagay ang mga taong may ganitong klase ng nararamdaman:

akala mo tama, mali pala…

akala mo mabuti, makakasama pala…

akala mo matino, nakakabaliw pala…

.

“Love conquers all” vs. “Walang assurance na hindi masasaktan kapag na-in love”

Walang pinipiling katayuan sa buhay ang pag-ibig. Kahit sino, kahit anong uri, kahit sa anong pamamaraan, kahit sa anong sitwasyon, mahirap kontrolin ang nararamdaman ng dalawang taong common ang feelings sa isa’t isa. Pero narinig ko sa trailer ng isang pelikula, walang kasiguraduhan na walang magdurusa ‘emotionally’ kapag nagmahal. For me, uber contrasting ang concepts especially to ’same sex’ dahil mahirap ipaliwanag sa mga hindi nakakaunawa ang katayuan mo, Kahit wala pa silang pakialam sa nararamdaman ninyo, you can’t deny na apektado pa rin nito ng magiging relasyon ninyo.

.

“You complete me” vs. “I know I can never be enough”

Nakakatawang marinig para sa akin ang isang taong nagsasabi sa kanyang minamahal na siya ang kumukumpleto sa kanyang buhay. Ewan ko kung bakit ako naa-amaze, pero hirap akong maniwala na isang taong sumulpot lang sa buhay mo at tumagal sa piling mo nang kakaunting panahon sa iyong buhay, ang agad na kukumpleto ng iyong buhay. For others, it maybe understandable because probably, they had some issues of affection from their family. Pero hindi ata ako ganoon…

Oo. Kinumpleto ng isang pagmamahal ang kaanyuan ng isang nagmamahal. Pero ang hindi puwedeng punan nang isang buo ang dalawa namang kulang. All of us are neither perfect, nor complete.

.

And lastly…

.

“Love moves in mysterious ways” vs. “Love hurts”

Tulad ng nasabi ko kanina, kahit sino’y puwedeng magmahal at mahalin. Dagdag ko pa, kahit sinong lider ng ano pang sekta’y hindi makakapigil sa pag-iibigan ng dalawang nilalang. When Nina revived the song “Love Moves In Mysterious Ways”, I reacted in such a way that I was extremely sarcastic/cathartic/with insanity. Yeah, the idea of the song is so true, because I experienced it for so many times. Pero siguro, sa sobrang paglalakwatsa ni Kupido para magpaibig ng dalawang tao, mukhang nakakasakit na siya. Love hurts ‘in mysterious ways, and I think, ‘in oblivious ways’. Mahirap ipaliwanag, pero siguro, sa mga nakakaintindi, alam na alam n’yo kung paano yun. No explanations needed. (hahaha, it’s so unfair…)

.

I’m in love… but I’m not prepared.

You are in love… you are prepared… but what’s the assurance?

Are you willing to forget friendship in exchange of a next level of loving?

.

I neither answer I agree, nor disagreeing… not the right time, I believe. Tama man ang nararamdaman ng ’sinuman’ sa kanyang pagmamahal, pero ang ‘anumang’ nararamdaman, kapg hindi pa oras, maaaring mali… and that’s the true positioning of a serious and real love…

.

September 20, 2007     Tondo, Manila

LemOrven

Sa Aking Pagyao…

Ito ay isang panitikang patungkol sa kahilingan ng isang namayapa. Ito ay isang likha lamang ng aking isipan, pero maaaring ito ang aking maging mga kahilingan kung ako’y mamayapa. Hehe! Salamat!

SA AKING PAGYAO…

Sa wakas, hindi na ako makakaramdam ng anumang sakit mula sa naghihikahos na mundong ito. Mawawala na rin sa aking pandinig ang mga mapanghusgang pananalita ng mga taong wala namang nalalaman sa mga tunay na hinanaing ng aking puso. Napagod na nga’ng sobra ang aking katawang lupa’t ang aking napakatagal na misyon sa Kanyang mapanubok na lupain ay tuluyan nang nagwakas.

Ngunit pahintulutan ninyo akong mag-iwan ng mga pasabi sa inyong mga nagmahal sa akin at mga napamahal na sa akin. Pakinggan n’yo nawa ang mga ihahayag ko, pagka’t ito ang aking mga pinakaninanais na mangyari sa mga nalalabi kong oras dito sa daigdig.

Sa aking pagyao,

… hayaan n’yo akong mahimlay na ang kasuotan ay aking pambahay lamang, at nakahigang nakagilid, nakabaluktot at parang normal na natutulog lang. Ayokong tuwid ang aking mga paa, at nakasuot ng baro’t itim na pantalon na tila ba magsisilbing abay sa isang kasal. Aakyat ako sa hagdanang may libong baitang at lubhang nakakapagod kung magiging mabigat ang aking kasuotan. Gusto ko ring bigyan n’yo ako ng isang malambot na unan upang may mayakap – at pakisama na rin ang aking little stuffed toy na si Robi para makatabi ko sa pagtulog;

… hayaan n’yong marinig ang mga kanta mula sa aking XpressMusic phone. Ipinagbabawal kong tumugtog ang anumang pang-lamay na tugtog sa aking lamay at libing. Ito ay sa dahilang binibigyan n’yo lamang ng dahilan ang inyong mga sarili para maging malungkot at umiyak. Pero kung talagang ayaw ninyo ng mga hilig kong pang-soundtrip, huwag na lang kayong magpatugtog – o kaya’y ikabit na lang ang earphone sa magkabila kong tainga at ikabit sa aking cellphone para ako lang ang mag-enjoy sa aking mga paboritong kanta;

… hayaan n’yong bigyan kayo ng mga oras ng pag-iyak sa aking harapan. Lumuha kayo kapag nalaman ninyong ako’y namayapa na, nakita sa unang pagkakataon ang aking namamahingang katawan, at sa huling araw ng aking lamay – baka magkaiyakan tayo, at alam kong ayaw mong mangyari yun (LoL) ;

… hayaan n’yong humiling ako ng regalong alam kong paghihirapan pero binigay ninyo nang taos-puso. Lumikha kayo ng isang tula o isang matalinhagang sanaysay na nagpapatungkol sa akin, mabuti man o masama. Pagsama-samahan ninyo ang mga ito, kasama ng mga lathalain at panitikang aking ginawa, paki-bookbind at itabi ninyo sa aking himlayan. Mababagot ako nang sobra sa paglalakbay, kaya’t mas mabuting may mababasa akong makapagpapahalakhak at makapagbibigay ng inspirasyon sa akin – at P.S., gusto ko yung may pagka-comedy at mala-Bob Ong;

… hayaan n’yong matikman ko sa huling pagkakataon ang aking mga kinababaliwang pagkain. Ipagluto n’yo ako ng aking paboritong sinigang na baboy na sobra ang asim, isang tasang kanin, at isang galong malamig na tubig. Gusto ko ring malasap ng aking panlasa ang napakalamig na hagod ng mocca frappucino ng Starbucks – dapat venti ang size at may kasamang old-fashioned doughnut. Hehe;

… hayaan n’yong marinig ko ang inyong mga tinig. Malayo ninyong maibubulong ang mga naging sama ng loob ninyo sa akin, at pagkatapos ng mga iyon, tanggapin ninyo ang aking tapat na paghingi ng tawad. Paumanhin sa kung anumang mga ginawa kong nakapagpasama ng inyong kalooban. Para namang sa mga nagkasala sa akin, kung meron man, ay buong-puso ko naman kayong pinapatawad. Tulad nga ng lagi nating sinasabi, kung ang Diyos nga ay marunong magpatawad, tayo pa kayang mga tao? Kaya huwag ka nang mag-alala, maging mapayapa nawa ang iyong isipan – bati na tayo. Ü ;

… hayaan n’yong maramdaman ko ang totoong pagmamahal na hinangad kong makamit nang maraming beses, ngunit walang tumagal ni isa. Hinihingi ko ang iyong yakap at halik, kahit man lang sa oras ng aking libing. Wala naman akong matinding galit nung may minahal ka na higit sa ‘kin, kaya’t huwag kang mag-alala o ma-guilty. Pansamantala lang ang mga tampo, inis at sama ng loob, pero makalipas ng maikling panahong iyo’y nag-iba ako ng landas at hinayaan kong maging masaya ka. Hinahangad ko ang iyong kaligayahan – ganyan kita kamahal eh. Mwahugs! XD ;

… at ang huli, (at maaaring ang pinakaseryoso sa aking mga sasabihin…) nais ko sanang dalhin ninyo ako sa huling hantungan ng buhay habang umuulan. Habang pababa sa hukay ay iparinig n’yo ang inyong mga tinig habang inaawit ang kantang inyong naisip na ihandog para sa akin. Maghulog kayo ng mga talulot ng sampaguita bago ninyo ako tuluyang iwan at hayaang makapagpahinga. Ang mga talulot na iyon ang magbibigay ng bango sa aking naglalakbay na kaluluwa patungo sa Kanyang paraiso. At isa pa, huwag kayong umiyak sa aking libing. Kumaway kayo nang may maaliwalas na maaaninag sa inyong mga mukha dahil ayokong isipin nating parehas na hindi na tayo magkikita.

Hanggang dito na lang muna. Masaya ako dahil naging parte kayo ng buhay ko, at nagagalak akong maging parte ng mga buhay n’yo.

P.S. Ayokong magsabihan tayo ng ‘Paalam’, dahil kahit alam kong medyo matatagalan, ay magkikita pa rin tayo na kasama Siya. Magkakakuwentuhan tayong muli sa Kanyang Paraisong puno ng saya.

June 30, 2010 3:32 pm

LemOrven

Bakit Ka Nakipag-BREAK Kung Makikipagbalikan Ka Rin?

Ang artikulong ay isinulat ko noong isang taon, sa paniniwalang naging ganito ang aking pananaw sa mga nangyaring hiwalayan noon ng ilan sa aking mga mababait na kaibigan. Una itong nailathala sa aking dating Multiply account, at sa ngayon, itinatanggi kong ito na ang perspective ko pagdating sa mga hiwalayan. Enjoy!

Siguradong lahat tayo ay nakaranas na ng break-up, ito man ay sitwasyong nakipag-break ka o siya ang nakipag-break sa’yo.

Breaking Up Is Hard To Do“.

Naniniwala ako sa sinasabi ng sikat na kantang ito ng The Carpenters. Mahirap talagang magsara ng isang relasyon kung talagang napamahal sa’yo nang sobra ang taong iyon.  Maraming dahilan ang hiwalayan na umaabot pa sa puntong hindi pagkakaintindihan at pagsisiraan nang dalawang partido, hanggang sa tuluyan na silang maghiwalay ng landas.

BREAKING UP (ellipses)

Naranasan ninyo na bang maging ganito ang past relationships ninyo? Yung tipong natapos na ang lahat, pero hindi mo akalain, may karugtong pa pala?

LOVE IS LOVELIER THE SECOND TIME AROUND

TADHANA mismo ang maglalapit sa inyong dalawa.

Most of the relationships na nasisira ay hindi na talaga nauuwi sa magandang samahan. Pero don’t you think kung bakit nagkakaroon ng balikan ang isang nasira na’ng pagmamahalan?

Naayos na ang problema. – Nagkahiwalay dahil nagkaroon ng problemang personal noon. Hindi ba nakatulong ang partner para kahit papaano’y ma-resolba o gumaan ang problema?

Bumalik ang nararamdaman. – Nung manawa ka sa relationship ninyo, pinili mo “kunwari” na kailangan mo munang mag-isip-isip kung mahal ka ba talaga niya. Pero ang totoo, humanap ka lang nang mas “sweet at malinamnam” kaysa kanya. Pero kapag nagsawa na rin sa mga ipinalit at na-realize mong mahal ka talaga nang iniwan niya, babalikan mo siya.

May inunang priority.That means, you are a lesser priority within your romantic timeframe. Simple lang – wala ka sa red alert list niya pagdating sa atensyon.

Bakit ka nakipag-break kung makikipagbalikan ka rin? Isa lang ang ibig sabihin nun, sa isang relasyon, choosy din tayo. Nasa atin na nga ang pagmamahal, naghahanap ka pa ng iba pag hindi sapat. Pero kung wala ka na’ng nahanap, babalik ka sa kanya.

Kung ganito ang balak mong gawin, sayang, sana hindi mo na lang siya iniwan, dahil baka siya ang masuwerteng makahanap nang mas higit pa sa’yo.

April 03, 2009, Intramuros, Manila

LemOrven