May Pasko Pa Rin ang 2020

2015-category-title-muelle copy2020-AURORA-post-featured-PASKO

Kakaiba ang Pasko ngayong 2020. Saglit tayong magbalik-tanaw sa lahat at patuloy pa ring magpasalamat sa kabila ng kaliwa’t kanang pagsubok.

Andaming trahedya:
pandemya, paranoia,
presidenteng palpak,
mga pesteng buwaya,
kapangyarihan ay
inaalipusta,
ayudang tinipid
at pondong nawala.

Andaming nawala:
maraming namatay,
maraming nawalay,
laging naghihintay
sa mahal sa buhay
na nasa panganib
dahil sa pagsagip
sa mga maysakit.

Andaming nagbago:
kabuhayang bagsak,
trabaho’y nahinto,
lumala ang gutom,
relasyong gumuho,
mga kaibigang
sa Zoom at chat na lang
natin nakikita.

Andaming nangyari
‘di lang dito sa ‘tin.
Pati buong mundo’y
malalang niyanig.
Andaming nangyari
pero sa kabila
ng mga ito ay
may mananatili:

Nariyan si Hesus,
ang Batang hinandog
ng sangkalangitan,
ang Tagapagligtas
ng sangkatauhan,
tanging dahilan ng
ating pagdiriwang
ngayong Kapaskuhan.

Kakaibang taon:
maraming trahedya,
maraming nawala,
maraming nagbago,
maraming nangyari.
Subalit sa dulo
ng lahat ng ito —
tayo’y may’rong Pasko.

Huwag makakalimot
na magpasalamat
bago tumalikod
sa taong malupit.
Iniwan man ay sakit
ay ating isambit
sa isip at puso:
Maligayang Pasko!

2020-headline-feature-fb-aurora-10-cropped.png

Tula ng Isang Manileño para kay “Maypagasa”

2015-category-title-muelle copy2020-AURORA-post-featured-bonifacio

Ngayong ika-157 anibersaryo ng kanyang kapanganakan, hayaan ninyong mag-alay ako ng maikling tula para sa aking Pambansang Bayani, sa aking Unang Pangulo, sa aking Number 1 Idol. Nasaan ka man, sana’y nababatid mo kung gaano mo nahubog ang paraan ko sa pagtanaw ng lipunang minsan mong niregaluhan ng kasarinlan. Habambuhay kitang gugunitain, kikilalanin at sasaluduhan.

Feliz compleaños, Señor Andres, El Presidente, El Supremo!

Mayroong isang dakilang tubong Tundo,
Ang pangalan ay Andres Bonifacio.

Yugto nya’y mahalaga sa kasaysayan:
Pakikipagdigma sa mga dayuhan
At nang makamit natin ang kalayaan.
Ginapi man ng sariling kababayan,
Ambag niya’y hinding-hindi malilimutan.

Supremo, tunay na anak ng Maynila.
Ama, asawa at bayani ng bansa.

2020-headline-feature-fb-aurora-10-cropped.png

Hinihintay ko ang bahaghari sa Maynila

2015-category-title-dear-manila2019-headline-feature-bahaghari

This article is part of Aurora Metropolis’ #Manila448 Series in celebration of Araw ng Maynila. The views expressed by the author does not reflect the view of organizations he represents or he is affiliated with.


 

May isa akong pinangarap
na makita sa alapaap:
bahagharing titingin sa ‘tin
at malugod na kilalanin
ang Manileñong tulad natin.
Tomboy man, butch, beki o bakla
na nakatira sa Maynila
ay Kanya ring mga nilikha.
Kami man ay may karapatan
na dapat ay maprotektahan
laban sa mga karahasan.
Sa simula ng bagong araw,
hangad natin nawa’y mapukaw
sila sa ating munting sigaw.
Maging ganap nawa ang gabay
Para sa siyudad ng Maynila’y
Lahat, magkakapantay-pantay.

 

#Manila448

 

 

cropped-article-stoper.png