THANK YOU FOR CALLING! #04 – SA DULO NG SLEEPING QUARTERS [EXPLICIT]

Ang ilang bahagi ng sulating ito ay naglalaman ng mga sekswal na eksena at maaaring hindi kaaya-aya sa ilang mga mambabasa.

 

Hindi biro ang mapunta sa midshift lalo pa sa tulad ko na ang binabyahe ay mula Tundo hanggang Ortigas. Ang midshift ay yung mga work schedule na nagsisimula ng alas dos, alas tres at alas kwatro ng umaga. Unang buwan ko bilang agent ay dinanas ko na ang hirap na ito. Umaalis ako sa bahay ng alas onse ng gabi, makakarating ng mga bandang alas dose y medya ng hatinggabi at papatay ng oras sa company canteen o sa entertainment lounge hanggang sa dumating ang shift ko. May mga pagkakataon din naman na kapag inaantok ako ay naiidlip muna ako sa sleeping quarters para may konting enerhiya sa pag-uumpisa ng kayod ko, at ilan sa mga pagkakataong ito ay mga alaalang hindi naman sana nakapagpagulat sa aking kamalayan. Hindi ko lang talaga maisip na sa mismong hindi tamang lugar ay nagagawa ng iilan ang mga bagay na iyon.

 

Buksan ang inyong isipan sa pagbabasa ng istoryang ito na nangyari noong ikalawang linggo pa lang ako sa aking account. Hindi pa sanay ang katawan ko sa midshift kaya pagkarating sa aming building ay diretso agad ako sa sleeping quarters. Hindi ganoon kaliwanag ang ilaw sa loob para maginhawang makatulog ang iilan kahit hindi nakatakip ang mga mata ng kumot o unan. Doon ako pumwesto sa bakanteng kama na pangalawa sa pinakadulo. May natutulog na nakatalukbong ng kumot sa pinakadulong kama. Nakakuha agad ako ng tiyempo na makatulog pagkahiga pero ilang sandali lang ang nakalipas, mga sampung minuto pa lang ata ako na nakakatulog ay nabulabog agad ako ng isang ungol – ungol na nanggagaling sa katabing kama ko lang. Minulat ko ang aking mata’t hindi nagpahalatang nagising. Aninag nang bahagya ang mga nagaganap na maiinit na eksena sa pagitan ng dalawang lalaki. Ang isa’y sarap na sarap ang pakiramdam habang siya’y bino-blowjob ng isa pang lalaki na nakatago ang ulo sa kumot. Halos limang minutong nangyari iyon at bumangon ang isa na kita pa sa kanyang bibig ang likidong ibinuga ng kanyang niromansa. Akala ko’y tapos na, pero ang mga sumunod na pangyayari ay mas mainit pa. Tumabi sa pagkakahiga ang lalaking nag-blowjob at pumunta sa likuran ng lalaking binigyan niya ng ligaya. Nagtakip sila ng kumot at tila may kinakalikot sa puwitan ng isa. Ilang saglit pa ay umungol na naman silang pareho at umiindayog ang kanilang mga katawan na tila wala silang pakialam sa posibilidad na mahuli sila o magising ako’t makita sila sa ganoong sitwasyon. Nag-a-anal sex ang dalawa at kita sa tinitirang lalake ang tumagaktak na pawis sa kanyang noo. Pabilis nang pabilis ang pag-uros ng isa nang may biglang nagbukas ng pinto. Nagtago ang tumitira sa likod ng kanyang katalik at dagling nagtaklob ng kumot para hindi makita ng pumasok na matutulog doon sa pinakaunahang kama, malapit sa pinto. Hindi nahalata ng pumasok na dalawang tao ang nakahiga sa dulong kama dahil medyo dim nga ang ilaw doon. Nang masigurado na nilang nakatulog na ang pumasok na iyon ay mabilis na nag-ayos ang nagtagong lalaki sa loob ng kumot, tumayo, binigyan ng halik ang nakatalik niya at mabilis na umalis.

 

May isa pang ganitong eksena sa dulo ng sleeping quarters na aking nakita kung saan hindi lang isa kundi tatlong pares pa silang sabay-sabay na nagtatalik. Meron ding nagpaparaos na dalawang agent sa fire exit at isang agent na nagyaya sa akin na i-blowjob ko raw siya sa isa sa mga cubicle ng comfort room sa bandang entertainment lounge.

 

Nitong mga nakaraang buwan ay lumabas sa mga balita ang istadistikang dumarami ang mga nagiging biktima ng human immunodeficiency virus (HIV) at ang pinakamalala ay umaabot pa ito sa acquired immune deficiency syndrome o AIDS. Pinapatunayan diumano ng mga pigura na malaki ang parte ng kalalakihan sa porsiyento ng mga nagkakaroon nito at ang rason ng pagkakasakit nila ng HIV/AIDS ay dahil sa pakikipagtalik sa kapwa nila lalaki. Dito rin sa pananaliksik ay sinasabing ang lugar kung saan nagiging laganap ang mga kadahilanan ng pagkakaroon ng AIDS ay sa mga call center.

 

Nang lumabas ang isyung ito ay bigla kong naisip ang mga pangyayaring binahagi ko sa inyo. Hindi na ako nagtaka pero hindi pa rin ako lubos na makapaniwala. Hindi ko rin masabi na isolated case ang mga senaryong personal kong nasaksihan dahil may iilan din akong kaibigang bakla at bimale ang nakakita rin at nakaranas pa ng mga ganito sa mismong gusali ng kanilang mga call center.

 

Bagama’t nangyayari talaga ang mga ito, marami pa rin sa mga kakilala ko sa gay community ang hindi kailanman papatulan ang tawag ng laman sa lugar ng trabaho. Bukod sa isa itong paglabag sa kanilang pinirmahang kontrata (prohibiting any sexual activity within the company premise) ay alam nilang ito ay HINDI TAMA sa kanilang moralidad.

 

Hindi ako ang tagapagsalita ng gay community pero alam kong kinokondena ng marami sa amin ang mga taong gumagawa ng mga kahalayang ito. Nakakasama din ng loob na marinig sa marami na nilalahat nila ang mga nasa LGBT sector na ginagawa ang mga ito dahil IMORAL DAW KAMI. Marahil ay hindi pa rin tanggap ng maraming Pilipino ang pagiging totoo sa damdamin ng mga kababayan nag-iba ng pananaw sa kasarian, pero muli, hinihingi namin sa inyo ang lubos na pang-unawa at paggalang. HINDI SINASALAMIN NG MGA IILANG GUMAGAWA NITO ANG IMAHE NG PINOY GAY O PINOY BIMALE.

 

Para naman sa mga tumatangkilik ng ganitong sexcapade, maging tatak sana sa inyong isipan na ang PAKIKIPAGTALIK SA KUNG KANI-KANINO AT PAKIKIAPID AY HINDI TAMA. Hindi por que kakaiba ang ating gender preference ay exempted tayo sa batas ng tao at batas ng Panginoon. Makuntento tayo sa kung anong meron tayo. Kung may partner ka, maging loyal at faithful, at mahalin pa ang iyong kabiyak. Para naman sa ating mga single, humanap tayo ng taong hindi lang natin makakasama sa sarap ng laman kundi sa sarap din ng pag-ibig at pagsasama. Kung hindi mapigilan ang pangangati, PILITIN NINYONG MAGTIMPI. Kung hindi na kaya, practice safe sex – pero mas maganda pa rin ang magtimpi.

 

Muli, hangad pa rin namin ang inyong respeto at masusing pagtimbang sa mga sitwasyong aming kinasasangkutan. Huwag niyong husgahan agad-agad dahil sa nakita nyong hindi maganda sa iilang kilala niyo na nagtatrabaho sa mga call center. Kung tutuusin, ang mga beki ang nagsisilbing sigla sa gitna ng nakakaantok na mga oras sa call center. Sila rin ang mga kilala kong pinakapursigido’t pinakamasisipag na manggagawa sa BPO industry. Hindi ito dahilan upang masira ang reputasyon ng mga natatanging kasarian sa negosyong ito.

 

Kung ang lahat ay gumagawa ng mga ganitong kababuyan, sana’y hindi na ipinaglalaban ng mga indibidwal o ilang mga LGBT groups ang karapatan para ituring ang mga bakla at maging mga tomboy na kapantay ng lalaki at babae sa mata ng batas at ng bayan. Kung ginagawa ng lahat ang ganitong aktibidad, sana ay hindi na namin pinagsisigawan na hindi kami imoral at hindi kami mahal ng Diyos.

Ang Mga Kakampi Ng Mga Beki

Sa kasalukuyan ay hindi na ganoong kalaking isyu sa lipunang Pilipino ang pagiging lantad ng ating mga kapatid sa ikatlong lahi. Pero bago pa man nakamit ang kalayaang ito ay kaliwa’t kanang pagkondena ang naranasan ng marami sa atin para lang ihayag sa lahat na ang pagiging bakla o beki ay hindi isang imoral na pagpapakita ng totoong ekspresyon ng ating buhay.

Bagama’t may iilang mga sitwasyong nakaranas ako ng insulto dahil sa pagiging beki ko, masasabi kong mahina pa ang mga iyon kumpara sa dinanas ng maraming tulad natin – binubugbog ng magulang, kinakahiya ng mga kamag-anak, inaabuso ng mga kalalakihan, kinokonsiderang excommunicado ng iilang mga relihiyosa, minumura’t binabasura ng mga tao sa paligid nila.

Sa kabila ng mga ito ay nakakahanap tayo ng iilang mga kakampi na umuunuwa’t gumagalang sa pinili nating landas:

BABAE. Mas naiintindihan ng babae ang sitwasyon natin dahil may mga pangangailangan at kinahihiligan tayo na parehas ng sa kanila. Mas nagtutugma ang emosyonal na aspeto natin sa kanila kaya hindi kataka-taka kung bakit karamihan sa atin ay babae ang matalik na kaibigan.

KAPWA BAKLA O KAPWA BEKI. Tulad ng sa babae ay sila ang mas makakaintindi pang tao sa nararamdaman natin – dahil ganoon din sila. Meron mang mga beki na hindi kagandahan ang ugali (plastik, backstabber, maldita) ay makakahanap pa rin tayo ng mga beki na nagiging malapit nating kaibigan na pwede nating pagsabihan ng mga bagay kung saan naiitindihan nila ito at pwede pa silang magpayo.

CLAN. Hindi na tago sa lipunan ang paglaganap ng social networking, lalo na sa kasalukuyang Facebook Era. Nagkalat din ang textmates at mga clan na nag-iipon ng mga beki para gawing isang grupo’t masayang barkadahan. Nagiging trademark sa mga third sex clan ang laging inuman, sextrip o orgy kapag nagkakaroon sila ng mga eyeball. Pero hindi naman lahat. Mas marami pa ring clan ang tumataguyod sa ikabubuti ng kanilang mga miyembro. Gumagawa sila ng mga paraan upang magamit ng mga kapatid natin ang talentong meron sila tulad ng contest, team buildings at marami pang iba. Sa maliliit na grupong ito’y nagagamit ng iilan ang kanilang managerial skills, kung saan natututo sila kung paano maging lider.

IILANG LALAKI. Hindi lingid sa ating kaalaman na sa kabila ng pagiging ganito natin, hindi natin maitatanggi na lalaki pa rin tayo. Bagama’t may mga straight na hindi gusto ang presensiya natin, ay may iilan pa ring kayang umunawa at rumerespeto sa ikatlong lahi tulad ng pagrespeto nila sa ibang tao. Karamihan pa sa iilang ito ay nirerespeto tayo na para bang tayo ay mga tunay na babae.

HUMAN RIGHTS ORGANIZATIONS. Ang mga bakla ay mga tao rin, at bawat tao ay pinoprotektahan ng mga batas para malayang magamit ang kanilang mga karapatan. Sa mga tulad natin, bukas man ang lipunan sa mga gawain ng third sex community ay may mga tao pa ring nagiging marahas sa pagtrato sa ilan sa atin. Kung may mga ganito kayong sitwasyon ay huwag mahiyang lumapit sa mga organisasyong may kaalaman tungkol sa ating mga karapatan. Alam nila kung ano ang proteksyong kinakailangan mo laban sa mga umaabuso sa’yo.

Hindi ko maisasama sa mga kakampi ang pamilya. Sila man ang mga pinakamalapit na tao sa atin ay dito rin karaniwang nagsisimula ang hindi pagtanggap ng lipunan sa mga nasa ikatlong lahi. May mga iilang nakakaintindi, pero karamihan pa rin ay lumilingon sa ideyang hindi kailanman magiging maganda sa paningin ng iba ang pagkakaroon ng kapamilyang bakla.

Pero para sa akin, ang pinakamatinding kakampi nating mga beki ay, walang iba, kundi ang PANGINOON. Oo, kinokonsidera ng sinumang relihiyon na dalawa lang talaga ang kasariang ginawa ng Diyos sa mundo – lalaki at babae. Sa kabila nito, naniniwala akong sa lahat ng pagkakataon – malungkot man o masaya – ay katabi ko ang Panginoon at Siyang yumayakap sa akin at sumusuporta nang walang humpay. Kung imoral man tayo sa paningin ng tao, kabaligtaran iyon sa paningin ng Maykapal. Hindi mapanghusga ang Langit, bagkus, patuloy na umuunawa, nagmamahal at nagbibigay ng biyaya sa mga ginagawa nating kabutihan. At alam ko, alam nating lahat iyan.

Lem Orven

April 28, 2011, 8:47am

Maikling Pananaw: Ang “Gay Films” at ang “Pornography”

Reaksyon sa pagiging bastusin ng mga istoryang pwede namang ianggulo na hindi bastusin.

Minsan kong nabasa ang komento sa Eklavumer ang tungkol sa paggamit ng USI (isang magazine program sa TV5) sa video clip ng gay indie film na “Boylets”. Ayon sa artikulong iyon, hindi umano nagpaalam ang production team ng nasabing programa sa direktor para gamitin ang parte ng pelikula para sa kanilang segment na tumatalakay sa pornograpiya. Sa pagkakatanda ko, nakalagay sa artikulong iyon ang isang pagkondena sa ugnayan ng gay films at kabastusan, na umano’y hindi tama.

Hindi naman ako ligaw sa industriya ng pelikula, bagama’t hindi ako nakapagtapos sa aking pag-aaral ng media sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila. Pero bilang mamamayan ng malayang bansang ito at bilang kasapi ng gender na pangunahing market target ng movie genre na ito, pahintulutan ninyong ibigay ang aking maikling saloobin ukol dito.

Sa pananaw ng nakararami, ang gay film ay isang ugat na bumubuhay at nagpapaunlad ng independent film industry sa Pilipinas – at ang indie film ay umuugnay sa tinatawag nating “art film” — o pelikulang nauukol sa sining. Hindi literal na sining ang dahilan para gumawa ng art film dahil dinadamay nito ang realidad ng lipunan, ang kulturang ginagalawan nito na nakakaapekto sa sining ng bansa. Isa sa mga realidad ng lipunan sa kasalukuyan ay ang pag-usbong ng kalayaang magmahal ng kahit sino, kahit ito’y kapwa mo lalaki o kapwa mo babae. Hindi pa man katanggap-tanggap nang lubusan sa Pilipinas, isa itong realidad na sumasaklaw sa napakaraming pagtatanto sa buhay.

Ang “gay film” ay “art film” – naniniwala ako rito dahil ilan sa mga nakita kong ganito ang nagiging malaya sa teknikal na aspeto ng produksyon, hindi sumusunod sa setup ng mainstream cinema, at kumakalaban sa limitasyon ng realidad. Ang art film ay masining, at ang sining ay kalayaan, kaya dito inaasahan ang mga eksenang hindi nararapat na makita sa commercial viewing. Dahil nga makatotohanan, pinapakita ng gay films ang kung ano ang tunay na nangyayari sa relasyong lalake sa lalake – sa aspetong pag-ibig man o sa pakikipagtalik.

Walang masama kung ipakita ng “gay film” ang ilang mga tagpo sa mundo ng same sex relationship at romance. Walang masama kung pinili ng ilang mga lumalabas dito (karamiha’y mga kabataang lalaki) ang makita ang kanilang mga katawan sa ngalan ng makatotohanang pagpapakita ng katotohanan. Walang masama sa paggawa ng gay films sa ngalan ng sining at hindi sa ngalan ng kamunduhan o pagkakakitaan.

Bakit maraming nagsasabi na pornograpiya ang gay film? Dahil marami sa mga gumagawa ng gay film ang umaabuso sa limitasyon ng sining. Oo, kahit ang kalayaan ay may limitasyon at ito ang hindi dapat na inaabuso. Ang sining ay nakalagay lamang sa mga eksklusibong lugar – pribado at pinangangalagaan. Kaya marami sa mga gay film ay hinahain lamang sa mga kompetisyon ng mga pelikula at ipinapalabas lamang sa mga sentrong pangkalinangan tulad ng CCP. Pero anong nangyayari? Nakita mo silang ibinebenta nang tago sa mga tindahan ng pirated DVD stalls sa kahit saan, at pakalat-kalat at nalalantad sa Youtube – at hindi lang trailer ang naroon kundi mismong buong pelikula.

Nirerespeto ang sining. Hindi ginagamit para magpasikat. Nakakagalit sa bahagi ng LGBT na ang pag-uuganay sa kung anumang gawin ng ikatlong lahi ay kabastusan. Pero kung may mga tulad ng iba na umaabuso at naglilibog sa sining ng gay film, hindi na akong magtataka kung bakit ito dinidikit sa pornograpiya.

Magkagayunman, para sa akin, ang gay film ay hindi pornograpiya. Ito ay sining. Ito ay kalayaan. At ito rin sana ang matanto ng iba pang nagbabalak na gumawa ng gay film.

August 17, 2010 5:15pm

LemOrven