Cinemalaya Sa Aking Mata

2015-category-title-review-film20180803-review-cinemalaya-sa-aking-mata-intro

Bahagi na ng buhay ko ang Cinemalaya.

Ito ang nagsisilbing homecoming ko taon-taon sa tahanan ng ating napakatingkad ngunit mapanghamong sining ng pelikula. Pinaglalaanan ko ito ng pera at panahon dahil sa panahong ang ideya ng pinilakang-tabing ay nagkakaroon ng kalabuan, ang Cinemalaya ay tanglaw na marami pang magaganda’t may saysay na pelikula para sa kasalukuyang henerasyon. Mag-isa man o kasama ang mga kaibigan, ang Cinemalaya ay may ekstraordinaryong puwang sa aking kamalayan bilang Pilipino.

Dito sa Aurora Metropolis, nagkaroon din ng ispesyal na sandali ang Cinemalaya. Apat na pelikulang tampok sa ikapitong edisyon nito noong 2011 ang hinimay ko gamit ang aking sapat na kaalaman sa pelikula at binigyan ng sariling pananaw na may kaugnayan sa ating lipunan. Ang tinawag ko rito ay “Cinemalaya sa Aking Mata”.

Tatlong taon ang nagdaan, sa selebrasyon ng unang dekada ng Cinemalaya, napili ang inyong lingkod bilang isa sa mga kauna-unahang set ng peer reviewer sa Cinemalaya Campus, isang film education program na nagtuturo sa high school students at mga mag-aaral ng pelikula sa kolehiyo kung paano sumulat ng movie review. Ang pagkakataong ito ay tunay na karangalan dahil hindi lang nito nabigyang-kilala ang kakayahan kong mag-rebyu kundi ang kakayahan kong magbigay-inspirasyon gamit ang pagsusulat.

Dalawang taon din akong hindi nakapunta sa CCP para sa Cinemalaya dahil sa trabaho. Kaya ngayong 2018 ay nangako akong babawi sa naging tahanan ng pagmamahal ko sa pelikula. Muling papagaspas ang aking mga pakpak patungo sa pugad ng Cinemalaya sa CCP at tangkilikin ang mga magagandang obra ng ating panahon.

At pitong taon pagkatapos ng una nitong lathala, bubuhayin din ng inyong lingkod ang Cinemalaya sa Aking Mata at susulat muli ng maraming review para sa taong ito sa abot ng aking makakaya. Ito ay bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-14 na anibersaryo ng Cinemalaya at ng aking ika-13 anibersaryo bilang fanboy ng Cinemalaya.

layout-red-line copy
Ang 14th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival, na may temang “Wings of Vision” ay magaganap mula August 3 hanggang August 12, 2018 sa Cultural Center of the Philippines at sa mga piling Ayala Cinemas sa buong bansa. Para sa schedule, i-click ito.

 

 

cropped-article-stoper.png

REVIEW | Ang Babaeng Humayo [The Woman Who Left] (2016)

2015-category-title-review-film2016-poster-ang-babaeng-humayo

“Di mo ‘ko kilala. ‘Pag nakilala mo ako, matatakot ka.”

In a world where truth hides between kindness and darkness, there is no other way to reveal it than disguise in kindness in the midst of darkness. This is what Horacia Somarostro (Charo Santos-Concio) did when she found out the truth after thirty years of suffering inside the correctional because of a crime she did not commit in the first place.

A schoolteacher prior to her imprisonment, Horacia spends the first days of her restored freedom by planning to kill Rodrigo Trinidad (Michael de Mesa), a powerful man in a remote island town who used to be her ex-lover. Rodrigo was the mastermind behind her incarceration, according to a written confession by Horacia’s closest fellow inside the prison Petra (Sharmaine Centenera-Buencamino) before she killed herself. Petra was the real person who did the crime that they blamed to Horacia and it was done through Rodrigo’s orders. She wants to seek retribution by ending Rodrigo’s life in her own hands before finding for her lost son Junior who was last seen in the streets of Manila. There she becomes Renata, an owner of a small eatery by day and a gallant hoodlum who wanders in the streets by night. She makes friends with Mameng (Jean Judith Javier), a mentally-challenged street dweller and Kuba (Nonie Buencamino), a hunchbacked street vendor to gather pieces of details about Rodrigo’s whereabouts.

2016-review-pic-humayo-01

During her surveillance, she also met with Hollanda (John Lloyd Cruz), an epileptic transgender drag queen who roves around the town for hasty sexual encounters. Like Horacia’s tattoos inside her clothes, Hollanda has his own mysterious persona behind the fancy dress, three-inch-heeled shoes, fake boobs and make-up. Their coincidental connection leads them to an event where they finally get their desired outcome. As a gesture of his gratitude for Horacia’s fading kindness, Hollanda gunned down Rodrigo which makes him confine in permanent gloom inside the prison. On the other hand, Horacia, after embracing undeserved darkness for a long time attained unexpected light in Hollanda’s murder of Rodrigo. However, she has to enter into another chapter of darkness as she moves to Manila and throw her luck to track her beloved son.

Ang Babaeng Humayo (The Woman Who Left) was Lav Diaz’s one of the shortest yet most elaborate magnum opus to date. His way of writing Horacia’s journey can be compared to a heartbreaking literature: a compilation of real-life stories of a nation immortalized by fictional tales and deep poems.  Despite breaking his traditional slower-phased scenes that made his past films longer than traditional movies, he did not fail to pass on the same magic of realism and cinematic chiaroscuro in this almost 4-hour masterpiece. Some may criticize about Diaz’s continuity style but its unpredictable transfer from sequence to another makes the viewers adjust to the sudden change of emotions or mood of the story. He was able to sensibly integrate totally different eras, situations and perspectives when he applied Leo Tolstoy’s 1872 short story “God Sees The Truth But Waits” in a 1997 setting when the world was overwhelmed by events such as the historic Hong Kong turnover to China, the death of Princess Diana and Mother Teresa and the kidnapping crisis in the Philippines. With his flawless embroidery of Horacia’s journey, it seemed that the film becomes a more modern version of Diaz’s other critically-acclaimed film “Hele Sa Hiwagang Hapis” (A Lullaby To The Sorrowful Mystery) where history attempts to enlighten today’s society through realizations that people unintended or purposely ignore.

2016-review-pic-humayo-02

The public already expected to see a different Santos-Concio here but she still surprised the world in her more powerful performance as Horacia. She perfectly showed the main character’s enigmatic personas as she shifts from a caring storyteller, a compassionate old woman to a night-time heroine, and vice versa. Her encounters with all the characters were significantly remarkable as it all helped the story progressed slowly but crystal clear. Truly, like how Cruz described her in an interview, there was no trace of the “Ma’am Charo, the media giant executive” that Filipinos of this generation used to see on TV. Through Diaz’s directorial guidance and prowess, Ang Babaeng Humayo successfully awakened Santos-Concio’s “sleeping dragon” inside her that once made her Asia’s best actress in 1977.

Meanwhile, Cruz did not disappoint everyone in his portrayal as a she-male – a first in his nearly two-decade acting portfolio. Like Santos-Concio, he exceeded cineastes’ expectations his stunning performance in Hele which won the Silver Bear Alfred Bauer Prize at the Berlin International Film Festival last February. Supporting casts led by Javier, Buencamino, de Mesa effectively represented Filipinos of different social classes which never changed from 1997 up to this day. They personified the common beliefs and doubts in God’s existence, how faith shapes a country’s collective psyche and how people live in a society that is controlled by money and false hope.

2016-review-pic-humayo-03

While few media observers have seen Diaz’s collaboration with mainstream producers (Cinema One Originals, a film production outfit under a cable channel of ABS-CBN where Santos-Concio continues to serve as one of the top honchos) as threat to the very purpose of creating a platform for the real independent Filipino cinema, Ang Babaeng Humayo’s road to victory can actually be a great example of how liberal and traditional moviemakers should meet halfway to produce and/or promote a deserving work of art. Today, this successfully-crafted merger between the unconventional filmmaker and the powerful producer gave the Philippines its first Golden Lion trophy in the world’s oldest film festival, the Venice Film Festival. It is just a matter of harmonious negotiation and balanced interests, and surely, it will benefit not just the film but also the entire Philippine film industry that is trapped in a state where getting efficient government support in terms of funding and incentives remains a struggle.

2016-review-pic-humayo-04

2016-ratings-review-ang-babaeng-humayo

Title: ANG BABAENG HUMAYO
International Title: THE WOMAN WHO LEFT
Date of Release: SEPTEMBER 28, 2016 (PHILIPPINE PREMIERE)
Award: GOLDEN LION (BEST FILM), 73RD VENICE FILM FESTIVAL

Studio: SINE OLIVIA PILIPINAS and CINEMA ONE ORIGINALS
Director: LAV DIAZ
Writer: LAV DIAZ
Screenplay: LAV DIAZ
Executive Producers: RONALD ARGUELLES and LAVRENTE DIAZ

Cast:

HORACIA – CHARO SANTOS-CONCIO
HOLLANDA – JOHN LLOYD CRUZ
RODRIGO – MICHAEL DE MESA
KUBA – NONIE BUENCAMINO
MAMENG – JEAN JUDITH JAVIER
PETRA – SHARMAINE CENTENERA-BUENCAMINO
WARDEN – MAE PANER
MARJ LORICO

MAYEN ESTAÑERO
PAOLO RODRIGUEZ
ROMELYN SALE
CACAI BAUTISTA
JO-ANN ROQUIESTAS
JULIUS EMPREDO

AURORA-NEW-LOGO-2015 copy_small

 

2015 YEARENDER: Ang Mabuhay Para Sa’yo

2015-category-title-tambuli copy2015-post-featured-image-tambuli-yearender-2015

Handa tayong sumabak sa mga pagsubok na kung minsan ay higit pa sa ‘ting pisikal at emosyonal na kakayahan. Natalo man sa laban, umuusad pa rin tayo sa buhay, natututo sa pagkagapi at patuloy na nagiging palaban para sa mga susunod pang problemang ating kakaharapin. Lahat tayo ay may kani-kanyang dahilan para manatiling malakas, matatag, at higit sa lahat, mabuhay.

Para sa inyong lingkod, nagsilbing preparasyon ang mga nangyari ngayong 2015 para sa mas malaki pang hamon sa aking buhay. Halo-halong emosyon ang dinulot sa akin ng taong magwawakas na masasabi kong bumuo at minsang dumurog sa aking isip, puso at buong pagkatao.

Ang mabuhay para sa Escolta

Wala akong naiisip na dahilan upang huminto sa mga bagay-bagay na makakatulong sa muling pagsigla ng Escolta. Bagaman unti-unting lumutang ang mga problema at ‘pulitika’ sa loob ng adbokasiya, hindi ako huminto sa mga dapat kong gawin bilang lingkod ng ating makasaysayang kalye. Nagtuloy-tuloy ang aking pagtu-tour guide at pagbuo ng mga gawaing sa pakiramdam ko’y makakatulong upang makilala ang lugar. Ilan sa mga ito ay ang Jane’s Walk Escolta (hango sa isang community tour advocacy na ginagawa sa iba’t ibang panig ng daigdig tuwing May 3) at Kwentong Escolta (special heritage talk bilang pagdiriwang sa ika-444 na Araw ng Maynila). Sa isang pambihirang pagkakataon naman ay nabigyan ako ng espasyo sa website ng Philippine Daily Inquirer para sa kanilang Independence Day Essays special kung saan ipinakilala ko sa mga mambabasa nila kung bakit importante ang bolunterismo sa pagpapahalaga sa mga makasaysayang lugar tulad ng Escolta. Kasama rin sa mga naisakatuparan ko ay ang ideya ng paglalagay ng mga remedyo upang gawing maaliwalas ang mga kinalimutang landmark tulad ng historical marker ng bayaning si Patricio Mariano sa tabi ng Estero dela Reina at ang entrance gate ng Capitol Theater na nilagyan ng tarpaulin, tampok ang napakagandang mural na dati’y nakalagay sa loob ng nasabing sinehan.

Ngunit ang masasabi kong pinakamasayang nangyari ngayong taon ay ang Escolta Volunteer Arm kung saan tinangka kong pagsama-samahin ang mga taong nagmamahal at gustong tumulong sa Escolta, gamit ang kanilang oras at kakayahan. Sila ang mga taong kahit hind konektado sa mga institusyong regular na gumagabay sa Escolta ay nais pa ring magbigay ng kanilang panahon at talento upang ipakilala ang Escolta, saan man sila mapapadpad. Hindi lang basta volunteer ang turing ko sa kanila kundi mga kapatid at mga kaibigan na rin. Maliit na grupo man ngunit alam kong napakalaki’t napaka-makabuluhan ng magagawa. Isa na rito ang kauna-unahang short film na ang tema ay tungkol sa aming minamahal na kalsada.

Ang mabuhay para sa pelikula

Tagahanga ako ng mga pelikula, lalong-lalo na ng mga obra ng magagaling na Pilipinong manunulat at direktor, bata man, batikan o yung mga namayapa na. Ngayong taon, naging suki ako ng mga special screening ng restored classic Filipino films tulad ng ‘T-Bird At Ako’, ‘Nagsimula Sa Puso’, ‘Insiang’, ‘Sana Maulit Muli’ at ‘Ikaw Ay Akin’. Hindi ko rin pinalagpas ang pelikulang matagal ko nang hinintay mula pa noong bata pa ako – ang ‘The Little Prince’ na mula sa librong isinulat ng Pranses na si Antoine de Saint-Exupéry. May mangilan-ngilang independent movie sa taong ito ang pinanood ko na lalong nagpaniwala sa akin na ang pinilakang tabing ay tunay na sining tulad ng ‘Ang Kwento Nating Dalawa’ at ‘Honor Thy Father’. Pero ang pinaka-hindi ko malilimutang karanasan bilang tagahanga ng pelikulang Pilipino ay nang umakyat ako sa makasaysayang entablado ng Tanghalang Aurelio Tolentino ng Cultural Center of the Philippines para magsalita bilang film reviewer sa Cinemalaya Campus noong August 11. Nabigyan ako ng pagkakataong ibigay sa mga mag-aaral ng pelikula at media ang aking pananaw sa pelikula bilang salamin ng lipunan gamit ang pelikulang ‘Andoy’ (Rommel Tolentino, Cinemalaya Best Short Film 2008).

Lagi kong binabanggit na kung hindi makakapunta ang mga tao sa Escolta ay gusto kong gumawa ng isang bagay na magdadala sa kanila ng Escolta. Dahil nga sa hilig ko sa pelikula, may isa akong kaibigan na kumumbinsi sa akin na gamitin ang medium ng pelikula para madala ang Escolta sa mas maraming tao. Nagsimula akong sumulat ng screenplay, at sa loob ng apat na buwan ng paglilihi, nanganak ang aking puso’t diwa ng istoryang sasaloob sa damdamin ng mga taong nagmamahal sa Escolta. Gamit ang salaping kinita namin sa Kwentong Escolta at sa tulong (at matinding moral support) ng mga kapwa ko volunteer, nasimulan naming isapelikula ang ‘Hogar’ noong August 19 at sa awa ng Langit ay maipalabas na namin sana sa publiko sa first quarter ng 2016.

Ang mabuhay para sa kapwa

Nangako ako na magbibigay ng kahit ano sa kapwa sa kahit anong pamamaraan. Sabi ko nga sa isang Facebook post ko, talaga yatang itinadhana akong maging Santa Claus at hindi lang basta kunwaring Santa tulad noong nasa elementarya pa ako. Tinapay, ice cream, yosi, isang boteng beer, limang piso, tengang makikinig, bibig na magpapayo, pusong dumaramay sa hinanakit ng ibang puso – yan ang mga naibigay ko sa mga taong hindi ko kilala pero sa palagay ko’y kaya ko namang maibigay kahit saglit lang. Sa lahat ng iyon, ang pinaka-makahulugan para sa akin ay ang mga taong mismong parte ng Escolta na sa humigit-kumulang na dalawang taon ko doon ay ngayon ko lang nabigyan ng pansin. Sila ang mga simpleng mamamayang direktang nabubuhay kapiling ang kalsadang aming minamahal.

Noong December 17, sa tulong ng mga Escolta volunteer, MMDA general manager Corazon Jimenez at ilang business managers ay nabigyan namin ang mga miyembro ng Escolta Sta. Cruz Fire and Rescue Volunteers Association Inc. ng isang simpleng Christmas dinner. Sa sumunod na araw, December 18 ay nagkaroon din ako ng pagkakataon na bigyan ng maagang Noche Buena ang tatlong street children: sina Fernando Manzano, Marlyn Manzano at Angie Perez. Sa totoo lang, ang marinig sa kanila ang pasasalamat ang pinakamasayang bagay na natanggap ko sa buong panahon na naglingkod ako sa Escolta. Sa sinsero nilang mga ngiti at halakhak, binigyan nila ako ng dagdag na dahilan para tulungan ang kalyeng pare-pareho naming pinapahalagan, ang kalyeng pare-pareho naming tinuturing na tahanan.

Ang mabuhay para matuto at magsaya

Malaking biyaya ang 2015 dahil sa dami ng inspirasyong dinulot sa akin nito. Nakadaupang-palad, nakasalamuha at mapalad na nakakuha ako ng personal na mga payo sa tatlong personalidad na pinaka-iniidolo ko. Isasama ko na rin na friend ko sila sa Facebook at pina-follow nila ako sa Instagram ngayon. Hahaha! Laging karangalan para sa akin ang makaharap at maipakita ang aking paghanga kay filmmaker Prof. Nick Deocampo, historian Prof. Ambeth Ocampo at master screenwriter Ricky Lee. Ngayon ding taon ay nagkaroon ako ng pagkakataon na makamayan at maka-selfie ang isa sa mga pinakamagagandang babae sa mundo, Miss World 2013 Megan Young na nag-host ng TEDxADMU noong February 21, ang unang TEDx event na nadaluhan ko. Isa pang katuparan ang aking pangarap ang nangyari ngayong taon dahil masuwerte akong nakapanood ng kauna-unahang stage adaptation ng isa sa mga pinakapaborito kong libro – ang “Para Kay B” na tinanghal ng Teatro Tomasino ng University of Santo Tomas. Dito ko rin napapirmahan sa aking idolo (Ricky Lee) ang kopya ko ng libro, at siyempre, may personal message siyang sinulat na lalo kong kinakiligan. Hehe!

Isa rin sa mga maliligayang taon ko ang 2015 dahil sa mga napuntahan, nakilala at nagawa kong masasayang bagay, pati na rin kalokohan, kasama man ang mga kaibigan o sa mga panahong ako ay nag-iisa. Nariyan ang mga biglaang bonding at video editing sessions kasama ang Escolta volunteers, maraming beses na nakapunta (at nag-overnight) sa Malolos, Bulacan para mag-consult sa thesis ng dalawang Architecture students, nakabalik rin ako sa Morong, Bataan para dumalo sa kasal ng isang kaibigan at maging host ng wedding reception sa kauna-unahang pagkakataon (at first time na nagsuot ng barong sa loob ng 15 taon), ang pagbabakasyon sa hometown ng aking Nanay sa Ilocos Sur matapos ang humigit-kumulang sampung taon, at ang pagbiyahe ko sa kilalang lungsod ng Vigan at pagbisita sa Calle Crisologo nang ako lang mag-isa. Mula noon ay naging madalas na ang ‘me-time’ ko sa pamamasyal sa Maynila. Maraming beses akong naglakad sa mga pasyalan at kalsada sa siyudad bitbit ang aking smartphone at ang pinakabagong miyembro ng aming pamilya – si Bruce III, isang Nikon D3100 DSLR camera. Mula National Museum, Luneta at Baywalk hanggang sa mga kalsada ng Paco at Sta. Ana ay tinulungan ako ni Bruce III na makita ang Maynila sa masining nitong mga anggulo at kagandahang hindi lingid sa kamalayan ng mga kapwa ko Manilenyo. Sa pamamagitan ng aming bagong kamera, isang panibagong ideya rin ang nabuo ng aking mga mata para ipakalat sa lahat ang aking pagmamahal sa nag-iisang kabisera ng Pilipinas.

Ang mabuhay para sa Maynila

Mula nang dumating sa buhay ko ang Manila City Hall ay naging tapat na ako sa aking paglilingkod sa Maynila sa kahit anong pamamaraan. Ngayong 2015, nang dumating ako sa puntong naaapektuhan na ako ng mga masasamang bagay na nagpapababa sa moral ng siyudad, naisip kong gamitin ang isang bagay upang masabi ang gusto kong sabihin sa kanya – ang social media. Ginawa ko ang Facebook page na Dear Manila para sa dalawang bagay: ipakita ang kahulugan ng Maynila gamit ang kakayahan ko sa pagkuha ng litrato at sumulat ng mga salitang magbibigay inspirasyon sa lahat, lalo na sa mga Manilenyong tulad ko. Ang Maynila ang ginawa kong unang kliyente sa iniisip kong bagong pakikipagsapalaran – ang pagiging lehitimong photographer. Kasabay ng pagsilang ng Dear Manila ay ang pagkakaroon din ng Facebook page na Lem Santiago Photography kung saan maipo-post ko ang iba kong magagandang kuha noong smartphone ko pa lang ang gamit ko.

Bilang paghahanda naman sa susunod na halalan, nagsisimula na rin akong ihanda ang aking sarili upang tumulong sa pagkampanya sa mga taong alam kong makakatulong sa lungsod sa susunod na tatlong taon. Lalong lumala ang siyudad sa ilalim ng kasalukuyang alkalde at hindi ko na rin maatim na muli niyang ibaba ang moral ng mga Manilenyo, lalo na ng mga mahihirap na naniwala sa kanya. Hindi lingid sa marami na ang ikakampanya ko sa 2016 local elections ay si Mayor Alfredo Lim, kasama na rin ang karamihan sa kanyang mga kasama sa Partido Liberal sa Maynila. Maraming nagsasabi na hindi na niya kaya dahil sa kanyang edad, pero naniniwala akong wala iyon sa katandaan kundi sa kanyang magandang tindig ng kalusugan at tapat na paglilingkod sa mga totoong nangangailangan. Dahil mula ngayon ay nakataas na aking dilaw na watawat para sa paparating na eleksyon, kailangan ko munang magpahinga sa mga bagay-bagay na malaya kong ginagawa dati. Ito ay upang maiwasan ang anumang maling pakahulugan ng ibang taong posibleng kontra sa aking ideolohiyang pampulitikal. Tulad noong 2013, kung ano man ang kahihinatnan ng aking pagsuporta ay hindi ako magsisisi. Ginagawa ko ito dahil sa aking paniniwala at pagnanais na magkaroon muli ng mas matingkad na liwanag sa lahat ng mamamayan ng Maynila.

Pamamaalam

May ilang mga kaibigan ang pumanaw ngayong 2015. Sila ang mga taong naging bahagi ng aking buhay at tinuring na mga kaibigan. Para kay Ma’am Lorna Franco, Kuya Bernard Villanueva at Alex Tumaca, nawa’y makilala ko kayong muli at maging kaibigan sa susunod na habambuhay.

Dalawang miyembro naman ng aking pamilya ang pumanaw rin ngayong taon. Bagaman pinipilit maging normal ang galaw ng lahat, hindi namin maikakailang masakit, malungkot at mahirap ang buhay nang wala sila sa aming piling.

Sila ang mga pag-aalayan ko ng lahat ng mga nakamit kong tagumpay ngayong taon. Para sa inyo ito, Tatay (Rafael Bolibol Santiago, Sr., 1945-2015) at Bruce (Japanese spitz, 2005-2015).

Pasasalamat at pagkilala

Hindi ako makakausad nang maligaya sa 2016 kung hindi ko tatapusin ang 2015 ng puno ng pasasalamat. Dahil sa kanila, naging posible sa akin ang mabuhay nang mga kabuluhan ngayong taon.

Salamat sa mga pinuno at miyembro ng Escolta Commercial Association Inc. (ECAI) para sa humigit-kumulang na dalawang taon ng pagtitiwala sa aking kakayahan. Walang sawa akong maglilingkod sa Escolta bilang volunteer at magiging katuwang ninyo kung inyong kinakailangan.

Salamat sa inyo, Sir Robert at Mrs. Lorraine Sylianteng sa pagturing sa akin bilang anak sa Escolta.

Salamat sa Heritage Conservation Society-Youth (HCS-Y), lalong lalo na kay Stephen John Pamorada at Clara Buenconsejo. Patuloy akong magiging kasama ninyo sa mga pamanang pinoprotektahan natin kahit nasa kabilang panig ako ngayon ng serbisyo publiko.

Salamat po, Atty. Lucille Malilong Isberto ng National Committee on Monuments and Sites para sa mga makabuluhang pag-uusap tungkol sa mga bagay-bagay na konektado sa ating kultura.

Salamat sa inyo, Ar. Dominic Galicia at Ar. Paulo Alcazaren dahil sa pagpapaunlak ng aking imbitasyon para sa Kwentong Escolta. Hindi ko lubos akalain na naimbitahan ko sa isang ispesyal na event ang dalawa sa itinuturing na pinakamagagaling na arkitekto ng bansa. Patuloy po ninyo kaming bigyan ng inspirasyon upang mas mahalin ang kultura ng Maynila.

Salamat po sa inyo, Mr. Christian Toledo, Ms. Nikko Zapata, Dr. Clodualdo del Mundo at sa mga bumubuo ng Cinemalaya Campus sa pagkakataong maging isa sa mga peer reviewers sa taong ito.

Salamat po, MMDA general manager Corazon Jimenez, NHCP chairperson Dr. Maria Serena Diokno, Intramuros administrator Atty. Marco Sardillo III at sa iba pang matataas na opisyal ng pamahalaan na patuloy na sumusuporta sa adhikain ng inyong lingkod para sa Escolta.

Salamat sa mga empleyado ng First United Building Corporation (Ms. Cely, Ms. Tess, Sir Benny, Ms. Marcia, Ms. Cleofe, Sherwin, Kuya Erwin, Goma at sa paborito kong elevator operator na si Kuya Rey) na nagsilbi kong mga tito at tita sa Escolta. Hindi ako sigurado kung mababasa ninyo ito pero nagpapasalamat ako sa mga tawanan, kwentuhang Aldub, lunch bondings at picture moments sa opisina. Lalong naging maligaya ang buhay ko ngayong taon dahil sa inyo.

Salamat, Atty. Eileen Chinte Cabrera at sa iyong esposo, Atty. Christian Cabrera sa pagbibigay ng aking unang hosting stint para sa isang wedding reception.

Salamat po, Sir Ricky Lee dahil kahit papaano’y naalala mo ako ‘pag nagkikita tayo sa mga event na naroon tayong pareho. Hindi po ako nahihiyang ipangalandakan na ako po ay fan ninyo. Salamat po sa pagiging walang hanggang inspirasyon sa aking pagsusulat.

Salamat sa mga bago kong kaibigan sa Escolta Volunteer Arm, lalong lalo na kina Mikaela Burbano, Allan Yves Briones, Hans Madula, Ivana Rachelle Biong, Eunicia Rica Mediodia, Miguel Bacaoco, Cedrick Aquino, Neil Allison Millar, Margarita Mabanta, Jeanne Cayanan at Hannah Aaron. Okay lang kung magsawa kayo sa akin, basta huwag sa Escolta. May Hogar pa tayo! Hahaha!

Salamat sa inyo, Juan Marcus Luna, Mona Sheilette Martinez at Luis Azcona. Kung wala kayo, hindi mabubuo ang Hogar, hindi magiging totoong tao sina Martin at Vida, at hindi magkakaroon ng damdamin ang istoryang para sa Escolta.

Salamat sa iba pang mga kaibigan kong walang sawang nagla-like, nagko-comment at nagbibigay ng moral support sa anuman ang ginagawa ko. Salamat sa inyo: Cherry Aggabao, Florence Rosini, Macky Macarayan, Diane Daseco, Katrina Paula Catugas, Ran Perez, April Manlavi, Herbert Eamon Bacani, Albert Ampong, Ariane Sabile, Jerdan Almario, Paul Morelos, Ar. Joel Rico, Ms. Elsa Magdaleno, JB Gutierrez, former National Youth Commission chairman Leon Flores III, former PLM College of Mass Communication dean Prof. Ludmila Labagnoy, Ar. Dunhill Villaruel, Councilor Niño at Christine dela Cruz, Ms. Missy Villaruel at marami pang iba. Kung hindi dahil sa inyo, baka ngayon ay hinang-hina na ako sa mga trip ko sa buhay. Hehe!

Salamat sa’yo, Escolta. Tulad ng pangako ko, hinding-hindi kita bibitawan kahit ano pang mangyari. Sa lahat ng pagmamahal na binibigay ko para sa ating siyudad, may malaking parte ka sa mga iyon. Huwag kang bibitiw! Marami pang magagandang sorpresa ang darating para sa iyong muling pagsigla.

Salamat sa aking pamilya, lalong lalo na sa aking Nanay Belen, sa aking kuya, Prof. Rafael Leal Santiago, Jr., at sa aking baby dog, si Bruce Liit. Kahit wala na si Tatay, naniniwala akong matatag pa rin ang ating pamilya. Mas ikatutuwa niya kung mananatili tayong masaya at kung minsan ay may pinagtatalunan. Hehe!

At ang pinakahuli’t pinaka-importante, maraming salamat po, Panginoong Hesukristo, Inang Maria at Poong Sto. Niño sa pagbibigay ng hindi mabilang na pagpapala at sorpresa upang maging mas makabuluhan ang pinahiram Ninyong buhay. Patuloy po Ninyong basbasan ang aming minamahal na lungsod ng Maynila at bansang Pilipinas, lalo na ngayong haharapin nito ang isa na namang halalan na babago sa amin bilang lipunang Pilipino. Maraming salamat po at inaalay po namin ang lahat ng tagumpay sa Iyong karangalan. Amen.

Ang mabuhay para magsulat

Aaminin kong hindi naging magandang taon ang 2015 para sa pagsusulat. Magkagayunman, binigyan ako ng 2015 ng panahon para mag-isip kung ipagpapatuloy ko pa ba ang tumahi ng mga panibagong istorya at komentaryo para sa ibang tao. Nagkaroon ako ng alinlangan na panatilihin pa ang Aurora Metropolis dahil sa dami ng aking ginagawa. Ngunit sa isang iglap, napagtanto kong buhay ko na ang magsulat at hindi ko na iyon matatanggal sa aking kaibuturan.

Pagkatapos ng ilang buwan na pagtigil sa pagpo-post ng mga artikulo, napagdesisyunan kong ipagpatuloy ang buhay ng Aurora Metropolis. Tulad ko, may dahilan kung bakit dapat pa siyang manatili sa aking piling – iyon ay ang maging kaibigan sa mga oras na walang may gustong makinig sa akin. Hindi ko lang basta pananatilihin ang Aurora dahil naisip kong bigyan siya ng bagong anyo. Sa pagpasok ng 2016, nangangako ang inyong lingkod na gagawing mas aktibo ang Aurora para magbigay ng inspirasyong para sa mga mambabasa at magbibigay ng dahilan upang mahalin ang bansa at ang minamahal nating Maynila.

Lahat tayo ay nabubuhay nang may dahilan, at sa pagtatapos ng taon na ito, natutunan kong pahalagahan ang mga dahilang iyon. Naging masaklap man ang kinauwian ng ating buhay sa taong ito, tandaan nating binibigyan pa tayo ng Tadhana ng susunod pang taon upang makabawi o mas umangat sa gusto nating tahakin. Nawa’y magpatuloy tayong humanap ng mas magagandang dahilan para mabuhay.

Maligayang bagong taon sa lahat. Maligayang pagdating, 2016!

 

AURORA-NEW-LOGO-2015 copy_small