The photos, which represented every lines of the poem, were first displayed in an exhibit during TEDxXavierSchool: Rethink Change held last January 23, 2016 at the Multi-Purpose Hall, Xavier School, San Juan City, Philippines.
—
I.

Kabalintunaan ng kasaganahan,

nalalagas nating mga nakaraan,

mga multong biktima ng karahasan,

nangangarap na makalipad saan man.
II.

Kalungkutan sa harap ng dapit-hapon,

tinitiis ang bigat ng mga hamon,

imahen ng marangyang pagkakataon,

pakikiisa sa bayang bumabangon.
III.

Magpahinga upang muling makahataw,

sumilong ka muna sa init ng araw,

tumindig ka para sa iyong pananaw,

dumaong sa paraisong tinatanaw.
IV.

Kislap ng tala’t pananampalataya,

tumahak sa direksyong iba’t payapa,

manatili’t umpisahang mang-anyaya,

sa panahong ang oras ay mahalaga.
V.

Sabayan ng lakad ang takbo ng mundo,

imulat ang mata at buksan ang puso,

damayan ang kababayang nanlulumo,

maging anghel ng Maykapal sa kapwa mo.