FAST POST #9: “Naynay!”

Late post. Late idea. Pero okay lang. It’s better to be late than never. LOL

Nagpapasalamat ako sa aking Facebook friend na nagngangalang Lian Hua Lee sa pagbibigay ng ideya para makapagsulat ako para sa okasyong ito. Halos matatapos na ang Mother’s Day habang ginagawa ko ang artikulong ito dahil nagra-rumble ang mga salita sa utak ko sa dami ng aking iniisip. Buti nga’t dahil sa mga commercial sa TV ay naalala kong Mother’s Day pala ngayon.

Nagtanong itong si Lian sa kanyang post sa Facebook, “Happy Mother’s Day? Is there really such an occasion?” Naghalong pagkatuwa at pagtataka ang naramdaman ko nang makita ko ang kanyang post dahil sa pagkakaalam ko, ipinagdiriwang ng buong mundo ang Mother’s Day ngayong ikalawang Linggo ng Mayo.

Kanina lang ay nagkausap kami sa chat at sinabihan niya ako ng … “Happy Naynay Day”. Natawa ako nung narinig ko yun. Tinama ko siya at sinabi ko na “Nanay” ang tamang tawag doon. Pero bigla kong naisip, medyo tama naman siya dahil may ibang taong ang tawag nila sa kanilang mga ina ay “naynay”. Pero na-realize ko sa huli na marami nga palang term ang nanay dito sa Pilipinas.

Nanay. Naynay. Mama. Mommy. Mom. Mudra. Sabi nga ni Simsimi, totoo ang “love at first sight”, dahil ang kauna-unahang mahal mo sa buhay ang una mong nakita’t naramdaman sa buong buhay mo, at siya ay ang iyong ina. Hindi ka man laging nagpapakita ng sweetness sa kanya ngayong malaki ka na (tulad ko) , alam ng ina ang puso ng anak. Kapag pinaramdam mo sa kanya ang pagmamahal kahit hindi sa kilos, siguradong babawian ka niya ng masarap na ngiti na talagang nakakagaan ng kalooban.

Maligayang Araw Ng Mga Ina sa lahat ng “Naynay” sa buong mundo. 🙂

Ang Aking Nanay

Unang una sa lahat, nagpapasalamat ako sa Maykapal na namulat ako sa mundong ito na kasama ang aking nanay. Masuwerte ako, kumpara sa ibang mga batang pinabayaan lamang ng kanilang ina para sa ibang pangangailangan at intensiyon.

Siya ang aking unang caregiver.

Siya ang aking unang chef.

Siya ang aking unang “knight in shining armor”.

Siya ang aking unang nakatabi sa aking first picture.

Siya ang aking first hug at first kiss.

Siya ang aking unang kritiko.

Siya ang aking unang fan.

Siya ang aking unang loveteam.

Siya ang aking unang girlfriend.

Siya ang tinatawag kong nanay.

Siya ang ilaw ng aking buhay.

Kahit minsan, ako’y pasaway.

Alam ko, siya lang ang magmamahal sa akin nang tunay.

Ang araw na ito ay hindi lang para sa mga inang kapiling pa ang kanilang mga anak. Para rin ito sa mga inang hindi kasama ang kanilang mga anak sa ngayon. Marahil, may ibang hindi ginustong mangyari ito. Pero alam ko, tulad ng nanay ko at ng ibang nanay, mahal na mahal nila ang kanilang mga anak at nasa puso nila ang mga ito.

Sa lahat ng mga nanay sa buong Pilipinas, to all the moms all over the world, and to our one and only, my dear Mama Mary, HAPPY MOTHERS’ DAY. MALIGAYANG ARAW NG MGA INA.

Lem Orven

8:42pm