Paano Umibig Ang Beki… Alamin!

Personal na pananaw. Ang mga istadistikang ihahain ay obserbasyon lamang ng may-akda.

.

Paano Umibig Ang Beki…


Sa perspektibo ng mga beki, (o mga lalakeng may pusong babae, medyo may konting agwat sa definition ng bakla) ang pag-ibig ay hindi dapat mawala, literal na dapat magkaroon pagkatapos mawalan.

Sa dalawang taon kong naging expose sa mundo ng male bisexuals,  nakita ko kung paano nagsimula, nabuo, nag-grow at nasira ang kani-kanilang lovelife. Sila yung mga taong “malakas” mag-demand kapag naghanap at nawalan ng minamahal.

Normal sa atin na maghanap ng kaparehang walang masasabi ang ibang tao, bagkus, yung tipong kakainggitan ka ng iba dahil pagmamay-ari mo siya. Pero sa perspektibo ng mga beki, 9 sa 10 beki ang naghahanap ng makisig at may itsurang kapareha. Sila yung tipong kung maghahanap sila sa mga social networking sites ay nagre-require ng magandang profile picture. 6 sa 10 beki ang naghahanap ng complete package, yung gwapo na, makisig na, matalino pa at may career pa.

4 sa 10 beki couple LANG ang nagtatagal sa relasyon ng mahigit isang taon. 7 sa 10 gay couples ang tumatagal ang relasyon na hindi hihigit sa anim na buwan. Mabilis magsawa ang mga beki sa kanilang kapareha, kaya kung tatantiyahin, 7 sa 10 beki ang may kapasidad na magtaksil sa kanyang partner. Sila yung nakikipagtalik at nakikipaglandian pa sa iba kahit may mga boyfriend na sila.

Kapag dumarating na ang puntong hiwalayan, 2 sa 10 beki ang parang “wala lang” sa kanila ang nangyaring breakup. 5 sa 10 ang dinaramdam nang sobra ang hiwalayan ng humigit-kumulang tatlong linggo. Pero ang nakakatuwa, 8 sa 10 beki ang “bitter” sa hiwalayan. Parehas nito ang bilang ng agad na naghahanap ng kapalit sa nawala.

Uso rin sa kulturang beki ang “orgy” at “fubu”, sila yung 4 to 10 beki na gustong maging “happy go lucky” o cool lang sa buhay. Yung tipong mas trip na maging “single and happy to mingle”.

Pero ang hindi ko maitatatwa, masarap magmahal ang mga beki kaysa straight na lalaki. Hiwalay sa personal na paniniwala, nakita kong mas malambing ang mga beki sa kanilang mga partner. Mas concern sa kung ano ang ginagawa’t pinagkakaabalahan ng kanilang mga karelasyon. At mas maraming kayang ikuwento tungkol sa kanilang buhay sa loob ng maikling panahon lamang.

Para sa karamihan sa beki, napakakonti ng oras – sobrang limited. Ang laging iniisip na sa larangan ng pag-ibig, live life to the fullest – kaya kailangang ma-experience ang lahat.

Kaya kung magmamahal ka ng beki, kapatid, get ready for the worst and expect the sweetest yet most challenging part of your lovelife. =)

August 07, 2010 8:10pm

LemOrven

Kuntento Sa Relasyon?

Mahigit sa labing-walong buwan din akong nakihalubilo sa mundo ng mga bakla at bisexual sa Cubao. Sa mga panahong iyon ay nakabuo ako ng isang pagtatantong hindi naman maikakailala sa nature ng ilan sa mga miyembro ng third sex – “masuwerte na ang relasyong tumatagal ng isang taon.” Sa behavior ng karamihan ng mga nasa gay community, sila ang mga tipo ng taong maraming hinahanap na gusto nila sa buhay. Minsan, may mga gay couple na hindi nakukuntento sa mga partner nila at humahanap ng iba para punan ang “pagkukulang” ng kanilang kapareha.

Ano nga ba ang salitang “contentment” sa isang same sex relationship? Naiisip ko minsan na tila tumutulad na ang ilang Pinoy gay couples sa mga gay couple sa Amerika na ang iba’y nakikisiping sa iba para makatikim ng “ibang timpla” ng kasiyahan. May mga nakilala akong gay couple na kumukuha ng isa pang bisexual o gay na makikipag-‘threesome’ sa kanila, at ang nakakatakot pa roon ay hindi nila lubos na kilala ang kinakasiping nila. Ang madalas kasi nilang kunan ng mga ganoong tao ay sa mga Internet gay site, kung saan ang hanap ng ilang naka-online ay ‘for fun‘ kung tawagin. Nauso na rin sa Pilipinas ang “fucking buddies” o “FUBU”, kung saan nagtatalik sila para lang sa pangangailangan ng gutom nilang laman, at kung saan walang namumuong romantic relationship sa pagitan nila.

Ano ang pagkakuntento ng isang nasa third sex pagdating sa pangangailangang pang-puso at pang-sekswal? Hindi maikakailang nasa grupo ng third sex ang isa sa may pinakamatataas na kaso ng HIV at AIDS sa buong mundo, daig pa ang mga nasa negosyo ng prostitusyon. Saan ba nakukuntento ang puso pagdating sa pagmamahal? Sa kakulangan ba ng pangangailangan ng nag-iinit na katawan? Ang punan ito ng ibang taong nangangailangan din ng panghupa ng libog sa kanyang kaibuturan?

Sa aking pakikisama sa mga iilang nakaranas na ng ganito, karaniwan nilang dahilan ay ine-enjoy lamang nila ang isang “kakaibang” adventure sa kanilang relasyon. Pero sa iniisip ko, kung nakuntento kayo pagkatapos ng sinasabi nilang “adventure“, makukuntento din kaya sila kung maiisip nilang dalawa ang maaaring mangyari sa kanila, hindi lang sa emosyonal na aspeto kundi sa kalusugan nilang dalawang magkapareha?

Isipin po natin: kung marunong tayong makuntento sa isang bagay na tulad ng pagmamahal at pakikipagrelasyon, magiging mabuti nito in a long-term sense. Maaaring ang pag-ibig ay isang larong sineseryoso dahil may makukuha kang kapaki-pakinabang o kaaya-aya sa’yo at sa iyong kapareha. Ngunit ang pakikipagsapalaran para sa inyong sekswal na pangangailangan ay hindi magandang paraan na maging kuntento sa inyong dalawa bilang magkarelasyon.

Ating tandaan na ang ginugusto nating relasyon ay gusto nating mahalintulad sa maayos na relasyon ng tulad sa opposite sex relationship. Kung magagawa natin ito sa ating kani-kaniyang same sex relationships dito sa Pilipinas, maraming puntos ang ating makukuha para makamit ang hinihingi nating paggalang at pag-intindi mula sa lipunang ating ginagalawan.

June 17, 2010 11:06am

LemOrven