Dos Mil Dose: Mula Sa Kabataan Ng Maynila, Para Sa Kabataan Ng Bansa

Nitong Disyembre 21, 2011 ay inilunsad ng inyong lingkod ang pinakabagong fanpage sa Facebook na pinamagatang “Manila Youth Interactive“. Sa kasalukuyan, ito ang una’t natatanging online portal na naglalayong pag-isahin ang mga hilig at tinig ng mga kabataang Manilenyo. Ang fanpage na ito ay suportado ng tanggapan ng Youth Development and Welfare Bureau ng lungsod sa pangunguna ng direktor nitong si Arch. Dunhill E. Villaruel.

Dahil aktibo ang maraming kabataan sa social networking, partikular sa Facebook, nilikha ang Manila Youth Interactive upang gamiting instrumento ng sektor na nangangalaga sa pagpapaunlad at pagkalinga ng kabataan, upang iparating sa kanila ang mga programang hain para sa kapakanan ng mga kabataan ng Lungsod at maging ng ibang kabataan sa Pilipinas. Hatid din nito ang iba pang mahahalagang balita at impormasyon na maaaring makatulong sa kanilang kaalaman, at dito’y hahayaang marinig ang kanilang mga komento, suhestiyon at pananaw sa nais nilang mapag-usapan at ma-share sa kanilang kapwa kabataan.

Ngayong pagsisimila ng taong 2012, inihahandog ng Manila Youth Interactive ang temang kanilang ihahain para sa kabataang Manilenyo, “DOS MIL DOSE: Dose-dosenang Saya At Pakikipagkapwa. Mula Sa Kabataan Ng Maynila. Para Sa Kabataan Ng Bansa”.

Ang unang profile picture ng Manila Youth Interactive sa taong 2012

Ang temang ito ay nagbibigay-kahulugan sa magiging misyon ng kabataan ng Lungsod ng Maynila. Kasabay ng pagdiriwang ng kanilang mga libangan at luho, handang handa rin sila na kunin ang hamon ng panahon at makiisa sa pakikipagkapwa-tao at pakikiisa sa mga proyektong tutulong sa pag-unlad ng bayan.

Sa tulong ng Manila Youth Bureau ay ipo-post sa Manila Youth Interactive ang mga aktibidad kung saan kaisa ang mga kabataang Manilenyo. Para maging fan, mag-login sa inyong Facebook account, i-click ang link na ito ( http://www.facebook.com/ManilaYouthInteractiveOfficial ) at pindutin ang LIKE button sa tabi ng pamagat upang maging updated sa mga post dito.

Mabuhay ang kabataang Manilenyo!

“SMOKE FREE SA MAYNILA” – Ang Hakbang Ng Lungsod Sa Umuusad Na Pagbabago

Kung inyo pong matatandaan ay ipinaskil ko ang larawang ito sa aking nakaraang post:

Nitong Nobyembre 11, 2011 ay inilunsad ng Lungsod ng Maynila ang isang kampanyang magpapaigitng ng mga simple ngunit makabuluhang pagbabago bilang isang Manilenyo at mamamayang Pilipino.

Tinaguriang “Smoke Free Sa Maynila: Kalusugan ay Pahalagahan, Kalikasan Ay Pangalagaan”, ang kampanyang ito ay inilunsad ng pamahalaang lungsod noong Biyernes, 11-11-11 sa Bonifacio Shrine, sa tapat ng Manila City Hall.

Isa itong programa kung saan binibigyang halaga ang mga simpleng pamamaraan ng pagbabago sa ating sarili upang makatulong sa ating kalusugan at kapaligiran. Kasabay ng paglulunsad ay ang sabayang parada ng ilang sektor sa anim na distrito ng Maynila upang masigurong maipaalam sa lahat ang bagong pinagtutuunan ng lungsod sa pamumuno ni Kgg. Alfredo S. Lim.

Inaasahan na magiging maigting ang kampanyang ito dahil sa lumalalang bilang ng mga nagkakasakit dahil sa pag-abuso sa paninigarilyo, unhealthy lifestyle at dumuduming kapaligiran.

SMOKE FREE SA MAYNILA, inilunsad sa Bonifacio Shrine, Manila City Hall

Mula sa Unang Distrito ng Maynila ang video na ito na kumakampanya sa SMOKE FREE SA MAYNILA

 

Manilenyo! Harapin Ang Pagbabago!

Manileyo ka bang gusto ng pagbabago? Gusto mo bang maging bahagi ng pagbabago sa punong kabisera ng Pilipinas?

Ngayong November 11, 2011, ang pamahalaang lungsod ng Maynila ay magsisimula ng isang malawakang programa upang maging posible ang pagbabago sa lungsod. Kung ikaw ay Manilenyo, makiisa ka sa pagbabago. Kung ano ang malaking surpresang ito, alamin nating lahat sa 11.11.11 sa Manila City Hall o makipag-ugnayan sa anumang ahensiya ng pamahalaang lungsod ukol dito.

Linisin at Ikarangal ang Maynila!