Galit ako sa post na ito. Sorry not sorry.
May kakaiba akong pet peeve, pero parang inadya nga siguro silang mapalapit sa akin. Sila ang mga tinatawag kong “dominant”. Ito yung mga taong pilit na kumokontrol sa buhay ng ibang tao nang wala sa lugar. Hindi mo sila boss, hindi mo sila superior, at minsan, hindi mo maintindihan kung bakit ini-insist nila ang nalalaman sila sa’yo. Isa silang uri ng control freak, pero ang problema sa kanila ay pinupuwersa nila ang kontrol nila dahil kinokontrol sila ng ibang mas malakas sa kanila.
Kilala ako ng ibang kaibigan ko na mapagbigay o masunurin. Mas magaling akong team member at mas gusto kong pangunahan ng mga taong alam kong may leadership skills. Pero natitiyempuhan talaga ako ng mga dominant na tao na, sa totoo lang, ay madalas na nagpapainit ng ulo ko. Yung tipong nakakangitngit kapag pinapakinggan mo ang boses nila na parang sila lang ang magaling o may nagagawa sa daigdig.
May isa akong dating kaibigan na gumawa ng term noon sa mga ganitong tulad ng tao: “manipulating b*tch”.
Pero isa talaga siguro sa mga malas ko ang magkaroon ng mga kaibigang tulad nila. Oo, kaibigan ko naman sila kung ituring kaya nakakapagpigil. Pero huwag nila akong simulan. Sa mga panahong hindi na rasonable ang pagka-b*tchesa nila, hindi nila pwedeng apakan ang abilidad ko.
At tulad ng paborito kong sinasabi… please, huwag ako!