Si Mr. and Ms. Dolomite na “Matatag”

Ito ang unang beses na nakapagsulat ulit ako ng tula para sa blog ko sa loob ng maraming taon. Gusto ko sanang magsalita nang pabalang sa balitang pumutok sa gitna mismo ng pag-aalala natin sa mga naapektuhan ng Bagyong Ulysses. Pero naisip ko: baka kung ano ang masabi ko at makalimutang sensitive ang feelings na gobyernong ito. Mas magandang ipahayag ito nang may kaunting talinhaga at may kontrol pero nakadikit pa rin sa katotohanan.

Salamat kay Celine at Benny para sa inspirasyon. Para ito sa nag-“passed away” nilang reputasyon sa gitna ng rumaragasang bagyo.

+++

Masaya ang dalawang pulpol na opisyal.
Sa pekeng buhanginan, nagawang namasyal
habang ang mga bubungan ay tinatanggal
ng bagyong buong bayan ang binabarubal.

Binantayan nila’y walang kakwenta-kwenta.
Imbes na makatulong sa hatid-ayuda
ay pumasyal pa sa baybayin ng Maynila
at inintindi ang pinagyayabang nila.

Ika nga nila: “Dolomite lang ang matatag”.
Pero pano ang mga buhay na binasag
at mga bahay at kabuhayang pinatag
ni Ulysses na ‘di nagpakita ng habag?

Pinairal ang kawalan ng malasakit.
Angas nila’y ‘di nakabawas sa pasakit
natin sa pandemya’y noon pa naiipit
at sa gobyernong walang puso kung manggipit.

Si Benny at Celine ay masamang huwaran.
Tanging representasyon ng pamahalaan
na sobra-sobrang nuknukan ng kabobohan,
kasinungalingan, pagtutulug-tulugan.

Sinabi sa Facebook ay hindi matatangay.
‘Di tulad ng fake white sand nilang magba-bye-bye,
Basurang reputasyon ay mananalaytay
at hindi magpa-“passed away” panghabambuhay.

2020-headline-feature-fb-aurora-10-cropped.png

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s