FAST POST #26: No Classes Due To Strong Prayers Of Students

PAALALA: Kung estudyante ka at babasahin mo ang artikulong ito, ihanda mo ang sarili mo na makonsensya at mag-isip-isip kung tama bang matuwa ka sa mga pangyayaring pabor sa’yo pero hindi pabor sa maraming tao.

habagat01

Larawan noong kasagsagan ng Habagat noong Agosto 2012.

habagat02

Larawan noong kasagsagan ng Habagat noong Agosto 2012.

habagat03

Larawan noong kasagsagan ng Habagat noong Agosto 2012.

Habang tinitipa ang artikulong ito ay pangalawang araw nang sinuspinde ng pamahalaan ang klase sa mga unibersidad dahil sa bugso ng Habagat na pinaigting ng bagyong Maring. Nagbunyi ang maraming estudyante dahil daw lalong napahaba ang LONG WEEKEND (special non-working day ang August 21 dahil sa death anniversary ng dating senador Ninoy Aquino) at maraming time para mag-DOTA, mag-Facebook at mag-EMO.

Pero ang pinaka-kumuha talaga ng aking atensyon (na noon ko pa napapansin pero ngayon ko lang kinainisan) ay yung mga tweet at post na kalat na kalat sa social media: “NO CLASSES DUE TO STRONG PRAYERS OF STUDENTS”.

Nakakatawa siya noong una, pero sa mga totoong gumawa ng birong ito, nanalangin ka ngang walang pasok, PERO…

1.) Naisip mo bang may naghihirap sa gitna ng rumaragasang baha habang pinagsisigawan mo sa Facebook ang kalandian o ka-emo-han mo?
2.) Naisip mo bang may nagugutom habang nakahilata ka sa sofa at kumakain ng paborito mong chichiryang hindi naman masustansya?
3.) Naisip mo bang may mga batang nagkakasakit habang lulong ka sa kung anumang online game na nilalaro mo?
4.) Naisip mo bang maraming palayang nasira habang nasa kama ka’t nagpapataas ng level sa Candy Crush?
5.) Naisip mo ba ang mga guro mong mawawalan ng sweldo habang nagpapakasaya ka sa hashtag na #walangpasok?
6.) Naisip mo ba ang mga estudyanteng nawalan ng eskwela’t gustong mag-aral habang ayaw mong pumasok dahil sa tinatamad ka lang?
7.) Naisip mo ba ang mga magulang mong nagpapaaral sa’yo habang may oras ka naman pero hindi mo pa ginagawa ang mga assignment mo?
8.) Naisip mo bang tumulong sa simpleng paraan na kaya mo kaysa humingi ng pampa-load?
9.) Naisip mo bang ihanda ang sarili mo sa posibleng mangyari sa mga kaganapang tulad nito kaysa isipin ang gagalaan mo sa susunod na araw?
10.) NAISIP MO BANG IPAGDASAL ANG KALIGTASAN NG LAHAT KAYSA IPAGDASAL MONG WALA KANG PASOK?

Aminado akong noong estudyante ako ay tuwang tuwa ako kapag walang pasok kapag may bagyo, pero hindi ko ginawang biro na ipagdasal kong mawalan ng pasok kaysa ialay ang panalangin sa mga kababayan nating nakatapak sa hukay ang isang paa nila patungo sa kamatayan dahil sa trahedyang kinakaharap nila.

2 thoughts on “FAST POST #26: No Classes Due To Strong Prayers Of Students

  1. Robert Leuterio ay nagsasabing:

    Sbgay, Kaylangan talaga nating isipin ang kapakanan din ng nakararami para sa maganda at maayus na isang layunin Bilang estdyante dpat alam natin ang tama at nakabubuti wag natin isipin ang MALI. Mali ang nagiisip ng masama.
    Maging Mapanuri tayo sa mga bagay na nkikita natin sa ating Paligid
    VeryInspiring to 🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s