Maaaring huli na ang artikulong ito para sa paggunita ng Buwan Ng Wka, pero sa pamamagitan nito’y nananalig ang sulating ito na hindi pa huli ang lahat para MAS pahalagahan pa natin ang ating lenggwahe’t kulturang pilit na natatabunan ng makabagong panahon.
Noong nakaraang linggo’y naitampok ni ABS-CBN News Senior Political Correspondent Lynda Jumilla-Abalos (@lyndajumilla) ang naganap na pagpupulong ng mga pinuno ng mga bansang kasapi ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) sa Vladivostok, Russia. Ngunit bago ang nasabing pulong ay nakilala ni Jumilla ang isang Russian volunteer na nagpamangha sa napakaraming Pilipino dahil sa kanyang matatas na pagta-Tagalog.
Maaaring hindi natatangi sa buong mundo ang tulad ni Andrey Khanov, 19, estudyante ng Moscow State University, pero sa isang bansang tulad ng Russia ay may isang estudyanteng nagkaroon ng panahon upang matutunan ang wika’t kultura ng isang bansang nasa alanganing estado ang ekonomiya, lipunan at pag-alala sa kasaysayang unti-unting nilalamon ng modernisasyon.
Isa sa mga hangad ni Khanov, ayon sa balita, kung bakit niya napili ang Pilipinas bilang lugar ng kanyang interes ay upang makatulong na makilala ang bansa sa kanyang bansa. Siguradong marami sa atin ang kahit papaano’y may kaalaman sa kontribusyon ng Russia sa kasaysayan ng daigdig. Sa layunin niyang ito’y maibabahagi ni Khanov ang handog ng Pilipinas at ng mga Pilipino sa mundo, at maipalaganap ang ating kulturang tunay na natatangi sa lahat. Dito rin ay mas nakikita natin kung gaano kahalaga ang pagpapahalaga ng ISANG BANYAGA sa ating SARILING WIKA.
Nitong Linggo naman ay naiulat sa TV Patrol Weekend ang pagbaba ng bilang ng mga Pinoy na nahihilig sa pagbabasa at ng mga Pinoy na bumibili ng libro. Ayon sa pananaliksik ng National Book Development Board, mas nahihilig pa raw tayo ngayon sa mga outdoor activity, lalong-lalo na ang mga kabataan sa kasalukuyan. Kaakibat nito ang pagbaba ng bahagdan ng mga bumibili ng mga aklat na hindi konektado sa eskuwela tulad ng mga novel, self help books at iba pa.
Hindi na kagulat-gulat ang sitwasyong ito na masasabi nating may kaugnayan sa kalunos-lunos na kalagayan ng edukasyon sa Pilipinas at ang namimiligrong lagay ng pagpapanatili ng mga sipi at istrukturang magpapakita ng ating kasaysayan at kultura sa mga susunod pang henerasyon ng mga Pilipino. Ang pagbabasa ang isa sa mga pundasyon ng karunungan, kapantay ng pagsusulat na inuumpisahan sa ating pagkabata. Ito ay pangunahing obligasyon ng mga magulang, ng pamilya, ng paaralan at ng pamahalaan upang lumaki tayong umuunlad gamit ang ganitong basikong kaalaman. Parte ng pag-unlad ng isang tao ang pagdiskubre ng mga bagay na patungkol sa agham, sining, paniniwala’t pananalig sa Diyos, at ang pagpapanatili ng kasaysayan at kulturang hinubog at ipinagtanggol ng ating mga bayani sa loob ng daan-daang taon.
Ano ang kaugnayan ni Khanov sa isyung ito? Sa unang tingin, sasabihin nating pareho lang tayo ni Khanov na gustong makilala ang kultura ng ibang bansa upang umunlad ang personal na karanasan at kaalaman sa mundo. Totoo. Pero ang kaibahan ni Khanov sa atin ay ang pagkilala ng kanyang lahi sa kahalagahan ng kultura’t kasaysayan, hindi lang sa ating kasalukuyang lipunan kundi sa ating sariling pamumuhay. Matatag ang bansang Russia sa pagbibigay nito ng importansya sa sining, panitikan, musika, pelikula, sayaw at maging sa mga produkto nila. Pero tayong mga Pilipino? Bilang mga indibidwal, gaano kabigat ang binibigay nating pansin sa sariling wika, sining, literatura, sayaw at mga bagay na gawa natin habang pinagtitiyagaan nating matuto ng salitang Korean, o pagkaadik sa KPOP at Korean drama o pagkalulong natin sa American action comics o Japanese manga? Gaano tayo kalalim sa pagsasalita ng wikang Filipino habang pinaglalaanan natin ng pera’t oras ang pag-e-enroll sa intensive foreign language classes? Paano tayo gumawa ng mga de-kalibreng pelikula at kanta na walang impluwensiya ng banyagang panlasa?
Hindi kaila sa atin na ang ating panahon ay nasa Internet age na. Lahat ng impormasyong ating kailangan ay ise-search mo na lang sa Google at mababasa sa Wikipedia. Ganito na rin ang kalakaran sa maraming bansa sa daigdig, pero bakit kahit gaano pa tayo ka-Internet savvy ay mabagal pa rin ang ating pag-unlad bilang ekonomiya at bilang isang bansa? Ito ay sa dahilang hindi natin pinaglalaanan ng masinsinang atensiyon ang pinakaposte ng karunungan — ang pagkatuto na magbasa ng aklat.
Ang aklat ay maituturing na kayamanang ibinahagi ng manunulat nito para maipasa ang kaalaman, emosyon at inspirasyong nagpamulat at nagpaunlad sa kanya bilang tao. Isang pribilehiyo ang makapagbasa ng aklat na hinabi ng mga magagaling na manunulat na nabuhay sa digmaan, paghihirap at kawalang pag-asa. Hindi mae-edit ng sinuman ang kaalamang nakalagay sa libro, lalo na kung isang eksperto at subok na totoo ang mga nakapaloob dito. Ang pagbili ng libro ay parang pagrerenta ng 24 oras sa isang internet shop. Mas nagtatagal kaysa ebooks sa IPad na kapag nalintikan ng virus ay mawawala na.
Ang pagkatuklas kay Khanov at pagkilala sa napakaraming dayuhang nagkakainteres sa ating wika’t kultura ay isang paalala sa ating lahat. Isang paalalang kinakailangan ng Pilipinas upang mapagtanto nating walang sinumang umuunlad ang hindi nagpapahalaga sa ugat ng kanyang katanyagan. Si Dr. Jose Rizal na mismo, ang Pambansang Bayani ng bansa ang nagsabi, na ang di marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda. At alam na alam natin na ang di marunong lumingon sa pinanggalingan ay di makararating sa paroroonan.
Hindi lamang sila mga pangungusap na tinuran para makapambola tulad ng ginagawa ng maraming pulitiko. Ang mga ito’y hinabi upang pakinabangan para lahat tayo’y makapagkamit ng kaunlarang naghihintay lang sa atin sa tamang patutunguhan.
Sanggunian:
Russian na magaling managalog, sinabulong si PNoy – http://www.abs-cbnnews.com/video/nation/09/07/12/tagalog-speaking-russian-welcomes-pnoy-vladivostok
Business Nightly – Filipino-speaking Russian helps with APEC summit – http://anc.abs-cbnnews.com/videos/2262/filipino-speaking-russian-helps-with-apec-summit/
Maraming paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa sariling bayan, katulad ng marami ring anyo ng kulturang Pilipino na itinataguyod sa buong mundo. Bilang Pilipinong nakatira sa ibang bansa, sinisikap kong turuan ang mga anak ko (na dito na nagkakaisip, at mukhang dito na rin magtatayo ng kabuhayan) tungkol sa kanilang lahi. Maaring sa wika ay sila’y banyaga, nguni’t ang puso’t diwa ay Pinoy pa rin. 🙂
Saludo po ako sa inyo! Nararapat lamang na ipamulat pa rin sa ating susunod na henerasyon, nandito man o nasa ibayong dagat, ang ating kasaysayan at kultura. Maraming salamat po at MABUHAY po kayo!
You Filipinos are so welcoming of non-Filipinos taking an interest in your country yet complain about the locals liking foreign stuff.
“Si Andrey Khanov, Ang Bahagdan Ng Mga Nagbabasang Pilipino At Ang Kinabukasan Ng Wikang Filipino”
LOL
“Ganito na rin ang kalakaran sa maraming bansa sa daigdig, pero bakit kahit gaano pa tayo ka-Internet savvy ay mabagal pa rin ang ating pag-unlad bilang ekonomiya at bilang isang bansa? Ito ay sa dahilang hindi natin pinaglalaanan ng masinsinang atensiyon ang pinakaposte ng karunungan — ang pagkatuto na magbasa ng aklat.”
Hesitating to read a book or some sort that’s printed on a paper is not the real problem. In fact, the things written in, if not most, all of your Philippine textbooks are meant to make believe and are actually biased towards your inefficient president and those 2 so-called saint and hero, I reckon that this Andrey guy does not really know the president at all besides his position. The same with your media. From what I have noticed, many Filipinos seem to be only blaming the Spaniards and the Arroyo for everything.
I will not be surprised if you’re one of Noynoy’s supporters. Like what I gave read, “Noynoy Supporters are Proof that The Philippines is a Wowowee Idiocracy”.
“Parte ng pag-unlad ng isang tao ang pagdiskubre ng mga bagay na patungkol sa agham, sining, PANINIWALA’T PANANALIG SA DIYOS, at ang pagpapanatili ng kasaysayan at kulturang hinubog at ipinagtanggol ng ating mga bayani sa loob ng daan-daang taon.”
Believing in something that does not exist is a delusion and so how is that part of a person’s development? I doubt you’ve even read the book yourself. The Bible has so many contradictions. Religion causes problems.
• Sexism: “I do not permit a woman to teach or to have authority over a man; she must be silent.” (1 Timothy 2:12)
• Murder of homosexuality: “If a man lies with a male as with a women, both of them shall be put to death for their abominable deed; they have forfeited their lives.” (Leviticus 20:13 NAB)
• Murder of non-believers: “Whoever sacrifices to any god, except the Lord alone, shall be doomed.” (Exodus 22:19 NAB)
• Encouraging sex trafficking: “When a man sells his daughter as a slave, she will not be freed at the end of six years as the men are. If she does not please the man who bought her, he may allow her to be bought back again. But he is not allowed to sell her to foreigners, since he is the one who broke the contract with her. And if the slave girl’s owner arranges for her to marry his son, he may no longer treat her as a slave girl, but he must treat her as his daughter. If he himself marries her and then takes another wife, he may not reduce her food or clothing or fail to sleep with her as his wife. If he fails in any of these three ways, she may leave as a free woman without making any payment.” (Exodus 21:7-11 NLT)
• Murdering people who work on the Sabbath day (SUNDAY): “The LORD then gave these further instructions to Moses: ‘Tell the people of Israel to keep my Sabbath day, for the Sabbath is a sign of the covenant between me and you forever. It helps you to remember that I am the LORD, who makes you holy. Yes, keep the Sabbath day, for it is holy. Anyone who desecrates it must die; anyone who works on that day will be cut off from the community. Work six days only, but the seventh day must be a day of total rest. I repeat: Because the LORD considers it a holy day, anyone who works on the Sabbath must be put to death.” (Exodus 31:12-15 NLT)
😛