BABALA: In-love ako.
Hindi ko sana intensiyon na mag-post ngayong August. Wala kasi talaga akong maisip na pwedeng i-share sa inyo dahil sa dami ng iniisip ko. May mga gusto akong isulat, pero dahil sa kawalan ng oras eh hindi ko siya magawa. Huwag ninyong asahan na ang post na ito ay matino. Wala lang kasi akong malabasan ng inis ko tungkol sa isang bagay na may koneksyon sa puso… oo.. love life (at marami ang makaka-relate siguro. hahaha!)
Naranasan nyo na bang umiwas sa isang tao para hindi tuluyang ma-inlove? Huli ko itong naramdaman, isang taon na ang nakararaan dahil ayokong masira ang pagkakaibigan namin. Masaya akong hindi niya pa rin alam kung sino siya at kung ano ang tunay kong naramdaman ko para sa kanya noong mga panahong hindi ko siya kinausap nang sobrang tagal.
Ngayon, muli ko na namang nararanasan ang bagay na ito – ang umiwas sa isang tao upang hindi siya mahalin. Hindi ko naman talaga siya iiwasan, pero may isang sitwasyong hindi ko sinasadya ang nagbunsod sa akin na dumistansya rito. Alam ko namang hindi talaga pwedeng mahalin siya, pero hindi mo naman mapipigilan ang puso na umibig. Sa pagkakataong ito, pinipili kong hindi na magpakita muna sa kanya, at kung sakaling magkikita kami, eh babalik yung mga panahon na una ko siyang nakita – estranghero at dayo lang sa aking mga mata.
Itinatawa ko na lang itong nangyayari sa akin. 🙂
aww. just enjoy the moment. hindi mo na maibabalik ang mga panahon na idinistansya mo. sayang naman. 😀