Dos Mil Dose: Mula Sa Kabataan Ng Maynila, Para Sa Kabataan Ng Bansa

Nitong Disyembre 21, 2011 ay inilunsad ng inyong lingkod ang pinakabagong fanpage sa Facebook na pinamagatang “Manila Youth Interactive“. Sa kasalukuyan, ito ang una’t natatanging online portal na naglalayong pag-isahin ang mga hilig at tinig ng mga kabataang Manilenyo. Ang fanpage na ito ay suportado ng tanggapan ng Youth Development and Welfare Bureau ng lungsod sa pangunguna ng direktor nitong si Arch. Dunhill E. Villaruel.

Dahil aktibo ang maraming kabataan sa social networking, partikular sa Facebook, nilikha ang Manila Youth Interactive upang gamiting instrumento ng sektor na nangangalaga sa pagpapaunlad at pagkalinga ng kabataan, upang iparating sa kanila ang mga programang hain para sa kapakanan ng mga kabataan ng Lungsod at maging ng ibang kabataan sa Pilipinas. Hatid din nito ang iba pang mahahalagang balita at impormasyon na maaaring makatulong sa kanilang kaalaman, at dito’y hahayaang marinig ang kanilang mga komento, suhestiyon at pananaw sa nais nilang mapag-usapan at ma-share sa kanilang kapwa kabataan.

Ngayong pagsisimila ng taong 2012, inihahandog ng Manila Youth Interactive ang temang kanilang ihahain para sa kabataang Manilenyo, “DOS MIL DOSE: Dose-dosenang Saya At Pakikipagkapwa. Mula Sa Kabataan Ng Maynila. Para Sa Kabataan Ng Bansa”.

Ang unang profile picture ng Manila Youth Interactive sa taong 2012

Ang temang ito ay nagbibigay-kahulugan sa magiging misyon ng kabataan ng Lungsod ng Maynila. Kasabay ng pagdiriwang ng kanilang mga libangan at luho, handang handa rin sila na kunin ang hamon ng panahon at makiisa sa pakikipagkapwa-tao at pakikiisa sa mga proyektong tutulong sa pag-unlad ng bayan.

Sa tulong ng Manila Youth Bureau ay ipo-post sa Manila Youth Interactive ang mga aktibidad kung saan kaisa ang mga kabataang Manilenyo. Para maging fan, mag-login sa inyong Facebook account, i-click ang link na ito ( http://www.facebook.com/ManilaYouthInteractiveOfficial ) at pindutin ang LIKE button sa tabi ng pamagat upang maging updated sa mga post dito.

Mabuhay ang kabataang Manilenyo!

3 thoughts on “Dos Mil Dose: Mula Sa Kabataan Ng Maynila, Para Sa Kabataan Ng Bansa

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s