Paumanhin sa pagiging hindi aktibo nitong nakaraang buwan. Medyo naging abala ako sa aking “trabaho” ngayon. Pero hindi naman ako papayag na iwanan ang taong 2011 nang hindi nagpo-post para po sa inyo.
Ang tulang ito ay isang biglaang likha ng inyong lingkod. Sinusulat sa isang papel habang nakatayo sa reception area ng tanggapan ng Youth Development and Welfare Bureau sa Manila City Hall. Hindi mapakali ang aking isipan noong panahong iyon kaya wala rin sa huwisyo noong binubuo ko ang mga titik nito. Sa huli, nang basahin ko ito ay tila ba sakto para sa pagtatapos ng 2011 at pagpasok ng 2012.
Punong-puno ng saya at tumitingin sa pagiging positibo ng darating na taon.
Masaganang Bagong Taon po sa inyong lahat!
Thanks for sharing this with us. i found it informative and interesting. Looking forward for more updates..