Kung inyo pong matatandaan ay ipinaskil ko ang larawang ito sa aking nakaraang post:
Nitong Nobyembre 11, 2011 ay inilunsad ng Lungsod ng Maynila ang isang kampanyang magpapaigitng ng mga simple ngunit makabuluhang pagbabago bilang isang Manilenyo at mamamayang Pilipino.
Tinaguriang “Smoke Free Sa Maynila: Kalusugan ay Pahalagahan, Kalikasan Ay Pangalagaan”, ang kampanyang ito ay inilunsad ng pamahalaang lungsod noong Biyernes, 11-11-11 sa Bonifacio Shrine, sa tapat ng Manila City Hall.
Isa itong programa kung saan binibigyang halaga ang mga simpleng pamamaraan ng pagbabago sa ating sarili upang makatulong sa ating kalusugan at kapaligiran. Kasabay ng paglulunsad ay ang sabayang parada ng ilang sektor sa anim na distrito ng Maynila upang masigurong maipaalam sa lahat ang bagong pinagtutuunan ng lungsod sa pamumuno ni Kgg. Alfredo S. Lim.
Inaasahan na magiging maigting ang kampanyang ito dahil sa lumalalang bilang ng mga nagkakasakit dahil sa pag-abuso sa paninigarilyo, unhealthy lifestyle at dumuduming kapaligiran.
SMOKE FREE SA MAYNILA, inilunsad sa Bonifacio Shrine, Manila City Hall
Mula sa Unang Distrito ng Maynila ang video na ito na kumakampanya sa SMOKE FREE SA MAYNILA