FAST POST #7: Crime Of Passion – Ang Pwedeng Magawa Ng Tunay Ng Pagmamahal

Nakakalungkot para sa akin ang balita ukol sa naganap na insidente sa SM Pampanga na kinasasangkutan ng dalawang binatilyo. Hindi ito normal na insidente, dahil sa matindi nilang pagmamahalan na nabalot ng selos ay nauwi sa katapusan ang kanilang bata pang buhay. Kinitil ng isang 13 anyos na binatilyo ang 16 anyos na binatilyong kasintahan sa loob mismo ng SM, pagkatapos ay ipinutok sa kanyang sintido ang ginamit na baril at bumulagtang nakadantay ang isang kamay sa kanyang kasintahan. Sa ganitong paraan isinakatuparan ng 13 anyos ang kanyang sinabi sa suicide note na handa siyang makasama ng habambuhay ang kanyang minamahal, kasabay ng paghingi nito ng paumanhin sa pamilya niya at sa pamilya ng 16 anyos.

Crime of passion. Isang insidente kung saan nagagawang pumatay ng isang tao nang dahil sa pag-ibig. Marami nang ganitong kaso sa Pilipinas, pero walang nakapag-akala na magaganap ang ganitong klaseng ‘krimen’. Sa murang edad ay naisip ng 13 anyos ang ganoong pamamaraan para lamang makasama niya hanggang sa kabilang buhay ang pinakaimportanteng tao ng kanyang puso. Tila isang gay love story na mahirap isulat at hindi mo akalaing mangyayari pala sa totoong buhay.

Nagiging masyado nang malawak ang utak ng mga mas nakababata dahil sa modernong teknolohiya. Oo, may mga nagaganap sa ibang bansa na batang nakakapatay gamit ang baril dahil maaaring wala ito sa kanyang sarili dahil sa ipinagbabawal na gamot o matinding depresyon. Pero sa kasong ito ay imposibleng may masisi dahil naging maigting ang bugso ng damdamin ng bumaril na binatilyo upang habambuhay na mapasakanya ang kanyang minamahal. Hindi isyu dito ang pagkakapareho nila ng kasarian. Nakaramdam sila ng pagmamahal sa isa’t isa at alam natin mahirap pigilan ang nararamdaman ng dalawang nagkakaintindihan ang mga puso. Kung may sisisihin man, maaaring ito ay yung kapabayaan ng magulang sa mga gamit na hindi dapat makita ng bata o ang maling paggamit sa anumang teknolohiya tulad ng Internet at text messaging.

Ang pangyayaring ito ay nag-iwan sa atin ng aral, lalong-lalo na sa mga magulang na may mga anak na nag-uumpisa pa lang sa teenage years. Sa mga ganoong edad ay tunay na napakahirap kontrolin ang emosyon ng mga ito, kaya mas gabayan nila ang mga anak pagdating sa kanilang pagharap sa mga suliranin ng pag-ibig at pakikipagrelasyon.

Hindi natin masasabi na ito na ang huling insidente ng ganitong krimen kaya dapat nang ipamulat sa mga nagbibinata’t nagdadalaga ang pwedeng magawa ng tunay na pagmamahal sa kanilang batang edad.

 

Mga kaugnay na artikulo:

2 BOYS IN SM PAMPANGA MALL SHOOTING DIE – http://www.abs-cbnnews.com/nation/regions/09/21/11/2-boys-sm-pampanga-mall-shooting-die

DAILY MOTION/ABS-CBN NEWS (Bandila) – http://www.dailymotion.com/video/xl7m1n_sm-pampanga-shooting-incident-september-20-2011_news

2 thoughts on “FAST POST #7: Crime Of Passion – Ang Pwedeng Magawa Ng Tunay Ng Pagmamahal

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s