THANK YOU FOR CALLING! #05 – 30 REALIZATIONS SA LOOB NG CALL FLOOR

Sa medyo mahabang panahong nailagi ko sa call center industry ay marami talaga akong natutunang gawain, aral at kabulastugan sa loob at labas ng call floor. Hayaan ninyong magbahagi ako ng iilan sa mga ito:

  1. Pagtatawanan mo ang NBI clearance ng mga kasama mong nagte-training pa lang para sa account dahil mukha silang tanga sa mga picture nila roon.
  2. Hindi mawawala sa introduce yourself portion ang ‘pet peeves’ at ‘if you were a thing, what thing are you and why’
  3. Magugulat ka na may kasama kang senior citizen sa wave ninyo. At mas magugulat ka na mas magaling pa silang mag-English kaysa sa karamihan sa inyo.
  4. Imposibleng walang bakla o alanganin ang kasarian sa loob ng account.
  5. Nakakatulirong pag-aralan ang abbreviation ng mga state ng US.
  6. Kung baguhan ka, ang pronounciation mo sa Arkansas ay AR-KAN-SAS at hindi AR-KIN-SO. Gayundin sa Iowa (AYOWA imbes na AY-WA) at sa TUCSON (TAK-SON imbes na TOO-SAN)
  7. Aasa ka sa script at maraming papertrail sa tabi ng station mo sa loob ng isang buwan.
  8. Mahirap magbenta ng produkto o serbisyong hindi mo rin maintindihan kung bakit siya binebenta.
  9. Hindi nakakatuwa kapag on queue ang calls. Hihinga ka lang nang maayos kapag kumonti ang pasok ng mga tawag.
  10. Makakatulog ka habang naghihintay ng papasok na call. Minsan, hindi ka agad nagigising kahit narinig mo na ang beep sound, senyales na may pumasok ng tawag sa system mo.
  11. Minumura ka ng mga Amerikano dahil mahahalata nilang hindi Amerikano ang kausap nila kundi Indian.
  12. Kapag di mo trip ang kausap mo ay iho-hold mo siya nang matagal hanggang mag-hang up siya, que se hodang masira ang AHT mo.
  13. Matutuwa ka kapag nag-downtime ang system ng call floor dahil makakapagpahinga ka sa station mo.
  14. Kung hindi ka mahilig magyosi, mahilig kang magkape. Kung hindi ka mahilig magkape, mahilig kang mag-chocolate. Kung mahilig ka sa lahat, malamang nasa coffee shop ka lagi.
  15. Masaya ka kapag may update training dahil hindi ka isasabak sa call floor.
  16. May nagtitinda ng Avon, Sara Lee o Boardwalk na isang kaopisina mo, at oorder ka sa kanya. Sa sweldo ang bayaran.
  17. Nadi-distract ka kapag harap-harapang nakikinig ang supervisor mo sa calls. Yung tipong bumabalik ka sa pagiging newbie kapag nagha-handle ka ng tawag.
  18. Tatawanan mo ang customer kapag ampangit nyang magsalita. Example, parang may sapi o kaya minority na tabingi mag-English.
  19. Nakakasira ng AHT ang mga matatandang customer. Bingi sila at out of this world kapag kinakausap.
  20. Walang minutong hindi ka tatayo habang may kausap na customer sa linya. Nakakasawa rin namang umupo. Kahit din may kausap ka ay makukuha mo pang makichismis at makiusisa ka sa ginagawa ng kabilang cubicle.
  21. Iho-hold mo ang call para mag-CR. Sasabihin mo sa customer na kunwari, pag-aaralan mo muna ang account niya o iche-check mo ang problema niya.
  22. Nakakalaki ng tiyan ang pagtatrabaho sa call center.
  23. Isa sa mga pinakamahahalagang survival equipment mo sa call floor ay tumbler. Nagdurusa ang mga taong walang ganito.
  24. Sisiraan ng mga customer mo ang buong lahi mo dahil lang sa pagiging iresponsable niya sa paggamit ng inyong produkto o serbisyo.
  25. Kapag Pinoy ang kausap, magiging kamustahan segment ang inyong call.
  26. Masaya ka kapag katabi mo ng station ang crush mo.
  27. Feeling close ka sa ibang supervisor para kukunin nila ang escalation call mo nang walang masyadong tanong.
  28. Ang team building ninyo ay out of town. Bibyahe kayo pagkatapos ng shift niyo… at babalik din kayo para pumasok kinagabihan.
  29. May mga pagkakataong tatawa ka kapag tumatawa ang kausap mo, pero ang totoo, hindi mo alam kung bakit siya tumatawa.

At ang panghuli’t pinakagawain ko noong nagtatrabaho ako sa call center…

30. Ginagawa mong tsubibo o roller coster ang upuan mo. Nagpapaikot-ikot ka at nagpapakahilo sa inuupuan mo habang may kausap sa linya.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s