Isang paglalahad ng mga pangyayari sa likod ng isang matagumpay na pagtatanghal.
October 17, 2010.
Alas-dose ng tanghali.
The sun shines so bright. Walang bakas ng masamang panahon. Nakakarindi ang init sa balat. I am so confident that the HBOX Singing Icon Grand Showdown will have its very good show tonight. Kasama ang mga kapwa ko miyembro sa HBOX Nation Events Group, inayos namin ang venue para sa isang programang alam kong inaasahan ng buong bi-male clan community na magiging MAGARBO.
Pagod. Pakikipagtalo. May halong kaba’t pagkataranta. Pananabik. Dumaloy ang lahat ng emosyon habang inaayos ang mga dapat na ayusin para sa gabing ito. The ecstasy and excitement still exist, but my brain does not stop talking and shouting… “MARAMI PANG PUWEDENG MANGYARI.”
Alas-kuwatro ng hapon.
Isa-isa nang nagdadatingan ang Top 20 contenders para sa kanilang technical and production rehearsal. The stage is almost ready and the production numbers were all set for tonight’s show. Bagama’t positibo ang lahat sa mga mangyayari, ay unti-unti namang nagbabago ang timpla ng panahon. Isang bagay na pinagdasal naming huwag mangyari, pero itinadhanang maganap.
Alas-sais ng gabi. Ilang oras bago ang itinakdang oras ng programa.
Galit ang langit. Binuhos ni Bagyong Juan ang poot ng kalikasan sa Cubao. Sira ang tubong nakakonekta sa alulod ng Starlites. Nabasa ang stage na pinaghirapan. Basang-basa ang venue. Natataranta na ang lahat. Tila pinipilit na naming ngumiti para ipakitang OK lang ang lahat. Nananatiling positibo kahit ang tingin ng mga naroon ay wala nang labanang ipapamukha sa aming mga manunuod.
We’re helping each other on how we can avoid those rainwaters in destroying the elegance of the venue. Sa mga oras na iyon, naisip kong oras na ito para ipakita sa mga naroon na ang HBOX, hindi marunong sumuko, umulan man o bumagyo. Dumagdag ng kaba sa akin nang may na-receive akong GM mula sa iba kong clan na hindi na tuloy ang Singing Icon dahil sa ulan. Kailangan ko nang magpakalat ng press release. Sa kahit sino. Sa kahit kanino. Basta lang maipaabot sa lahat na TULOY ang laban, TULOY ang aming pinaghirapan.
Mga bandang alas-otso y medya ng gabi.
Tumila ang ulan. Unti-unti nang nagdadatingan ang mga manunuod. At hanggang sa huli, kami pa rin ang panalo laban kay Juan. As Ina Hitaro (founder and Royal Master of HBOX Nation) told me with an optimism with his face, let’s consider that strong rain as a blessing from Him, a strong shower of blessing for us to believe in Him, to believe in His love for us — and Ina was so right.
Alas-diyes y kinse ng gabi. Dalawang oras na delay sa itinakdang oras ng pagtatanghal.
Naayos ang lahat. Matagumpay naming nasimulan ang Singing Icon Grand Showdown, at natapos namin ang gabi nang may napakagandang mga ngiti’t pagmamalaki na kami ang pinakamasasayang tao sa buong mundo sa mga oras na iyon. Naitanghal namin sa tamang tao ang pangalawang tropeo ng kompetisyon at sinara namin ang ikalawang season ng Singing Icon na may pangakong may ikatlo pang Singing Icon sa 2011.
We would like to thank those people who had their effort to go and watch the show, despite of the bad weather that we had experienced last Sunday. To our clan members, Top 20 contenders and their respective clans; to our judges, sponsors, and most especially, to our Creator, Jesus and our Mother Mama Mary, thanks for letting us prove that HBOX is strong and can’t surrender amidst all challenges and disturbances — physical, emotional or even natural.
Binigyan niyo kami ng isang masayang pagdiriwang sa aming ikalimang kaarawan.
On behalf of the whole HBOX Nation Events Group, MARAMING MARAMING SALAMAT PO. Magkita-kita pa po tayo sa aming mga susunod pang pagtatanghal. Mahal po namin kayo.
– Admin Artemis (Lem Orven Santiago)
Wednesday, October 20, 2010
7:32am