Dalawang Taon Ng Pagiging Ganap Na Beki

Isang paggunita ng pagmamahal sa aking tahanan sa mundo ng mga beki.

Nasabi kong hindi ako makakapagsulat para sa blog ko sa buwang ito dahil sa pagiging abala sa ginagawa naming singing competition, pero di maiwasan ng aking mga kamay at utak ang magbahagi ng ilang mga ideya sa inyo.

Sa September 22, bukod sa malugod kong ipinagdiriwang ang kaarawan ng aking ina ay may isa pang bagay ang ginugunita ko sa araw na ito. Dalawang taon na akong “certified beki”.

Isang importanteng petsa para sa isang beki na nilamon ng isang napaka-adventurous na mundo. Di ko aakalain na mapapadpad ako sa daigdig ng mga lalakeng di mo aakalain na may pusong babae.

September 22. 2008. Hindi talaga ito ang petsa na nagsimula akong pumasok sa kanila. Minsan, may isang buwan noong 2007 nang una kong subukang makihalubilo sa mga beki na nagka-clan sa Sun Cellular, pero hindi rin ako nagtagal dahil iba talaga ang mga GM nila – nakaka-culture shock.

Isang taon ang nakalipas, bumalik ako sa kanilang mundo at sinubukang lunukin ang realidad ng pagiging kabilang sa third sex. Talagang may purpose ang nasa Itaas kung bakit niya ako pinabalik. Ang una kong bi-male clan ay ang G4M Clan, pero isang buwan lang yata akong tumagal noon, hanggang sa lumipat ako sa HBOX Unity – isang tatlong taong gulang na clan ng mga bi-male. At dito na umusbong nang tuluyan at umikot ng higit pa sa 360 degrees ang aking buhay bilang isang binabae, bilang isang tao.

Masaya. Malungkot. Nakaka-excite. Nakaka-bitter. Challenging. Ang mundo ng mga beki ay maraming demands. Creativity. Sophistication. Glamour. Maliban sa creativity, wala sa bokabularyo ko ang pagiging sophisticated at glamoroso, na di ko aakalaing mapapanatili ko hanggang sa ngayon.

Maraming demands. Maraming expectations. Maraming drawbacks. Maraming appreciation. Maraming rejection. Sa dalawang taon, may mga naging tunay akong kaibigang tumulong sa akin para maka-survive sa mundo ng mga beki. Sila ang mga taong masasabi kong gumawa sa akin bilang tunay na leader. Pero marami pang dapat matutunan, marami pang dapat na subukan at iwasan.

Dalawang taon. Ispesyal kong pinasasalamatan ang HBOX Nation at ang founder nito na si Hitaro Bianes na tinatawag kong Ina, na hindi nagbago ang pagtingin sa akin bilang isang lider, bilang anak-anakan, bilang tagasunod ng HBOX, bilang tao. Sa lahat ng taong dapat kong saluduhan, siya lang ang titindigan ko nang buong puso at alay ko sa kanya ito.

Dalawang taon, at alam kong marami pang taong pakikisama sa mundo ng mga beki. Sana, sa pagiging ganap na beki ko, marami pa kong mga bagay na matutunan sa kanila. Marami pa akong hindi alam, pero pipilitin kong alamin ang mga ito. Minsan nang pinatay ng mundong ito ang pagkatao ko, pero alam kong may parte siya ng buhay ko na bubuhayin niya at pilit na ilalabas na alam ng lahat na ikabubuti.

Happy beki-versary sa ‘kin! =)

Mahal ko ang HBOX Nation =)

.

.

September 18, 2010 3:51pm

LemOrven

Being A Beki Is Not A Joke… Don’t Laugh!

Isang pananaw sa aking pagbabalik sa buhay ng mga beki.

July 23, 2010. Sa di-malamang kadahilanan ay bumalik ako sa mundong sinabi kong hindi ko muna babalikan nang matagal na panahon. Dala na rin siguro ng aking pagkabagot at pangangailangan sa  pagkakaroon ng outlet of emotions, ay muli kong binuksan ang aking cellphone inbox para muling pumasok sa isang daigdig na minsan ding naglaro ng aking pagkatao – ang daigdig na bumago sa pagtingin ko bilang tao.

Sinubukan kong magtago sa anyo ng mangangasong si Artemis sa aking pagbabalik sa bi clan community. Pero hindi pala ito naging madali. On a positive note, masasabi kong may iniwanan akong tatak sa kanila na hindi nabaon sa kanilang mga alaala. Hindi nabura ang mga mabubuti’t masasamang marka ni Lem sa HBOX Nation.

Hindi naging madali ang muling pagtatayo ng reputasyon. Mahirap nang mapalabo sa mga alaala nila ang pagiging “emotero” at “asal-bata” ng isang officer na ang hawak na posisyon ay batas – batas na maraming beses kong nilabag. Sa kabila niyon, kelangan kong muling magpa-impress at muling sumabay sa sirkulasyon ng mga beki.

Hindi madaling madispatcha ang identity bilang isang malditang beki. But as of now, I already learned my lesson. The thing of the past became an instrument for me to rejuvenate myself from a bitch to a decent, more creative, and a cooler Lem – and he is Artemis.

Being a beki is not a joke. Ang pikon, talo. Ang mahina, patay. Ang walang markang iiwan, laos. Maybe, I became a beki who became annoying in the eyes of others. May talento man ay hindi napapansin dahil sa napakagaspang ng ugali. But as time goes by, I then realized that living a beki life is not an unusual one. Kung hindi ka bet-able (o may itsura) at wala pang magawang mabuti sa kapwa mo beki, pagtatawanan ka lang at lalayuan. Mas mabuting kahit hindi ka bet-able pero iba ang iniiwan mong identity sa iba, for sure, magiging maganda ang tingin sa’yo ng lahat, mas maganda pa sa mga bet-able. Jajajaja! =D

+++

I might be busy this month for an event that we are organizing – a competition called “Singing Icon: The Second Battle”. Contest ito ng mga bi-male na gustong maging angat sa lahat sa pamamagitan ng pagkanta. Dahil magiging busy ako’y magiging pasulput-sulpot muna ako sa pagsusulat. Pero hindi ako hihinto sa pag-iisip ng mga ideya na handa kong i-share sa inyo, lalo na sa mga beki na katulad ko.

.

.

September 08, 2010 4:50pm

LemOrven

PS: HAPPY BIRTHDAY MAMA MARY! Lahat ng bunga ng aking mga talentong ginagamit at pinakikinabangan ay inaalay para sa Iyo at sa Iyong Bugtong na Anak, ang pinakaguwapong boyfriend ng lahat. AMEN. =)