Reaksyon sa pagiging bastusin ng mga istoryang pwede namang ianggulo na hindi bastusin.
Minsan kong nabasa ang komento sa Eklavumer ang tungkol sa paggamit ng USI (isang magazine program sa TV5) sa video clip ng gay indie film na “Boylets”. Ayon sa artikulong iyon, hindi umano nagpaalam ang production team ng nasabing programa sa direktor para gamitin ang parte ng pelikula para sa kanilang segment na tumatalakay sa pornograpiya. Sa pagkakatanda ko, nakalagay sa artikulong iyon ang isang pagkondena sa ugnayan ng gay films at kabastusan, na umano’y hindi tama.
Hindi naman ako ligaw sa industriya ng pelikula, bagama’t hindi ako nakapagtapos sa aking pag-aaral ng media sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila. Pero bilang mamamayan ng malayang bansang ito at bilang kasapi ng gender na pangunahing market target ng movie genre na ito, pahintulutan ninyong ibigay ang aking maikling saloobin ukol dito.
Sa pananaw ng nakararami, ang gay film ay isang ugat na bumubuhay at nagpapaunlad ng independent film industry sa Pilipinas – at ang indie film ay umuugnay sa tinatawag nating “art film” — o pelikulang nauukol sa sining. Hindi literal na sining ang dahilan para gumawa ng art film dahil dinadamay nito ang realidad ng lipunan, ang kulturang ginagalawan nito na nakakaapekto sa sining ng bansa. Isa sa mga realidad ng lipunan sa kasalukuyan ay ang pag-usbong ng kalayaang magmahal ng kahit sino, kahit ito’y kapwa mo lalaki o kapwa mo babae. Hindi pa man katanggap-tanggap nang lubusan sa Pilipinas, isa itong realidad na sumasaklaw sa napakaraming pagtatanto sa buhay.
Ang “gay film” ay “art film” – naniniwala ako rito dahil ilan sa mga nakita kong ganito ang nagiging malaya sa teknikal na aspeto ng produksyon, hindi sumusunod sa setup ng mainstream cinema, at kumakalaban sa limitasyon ng realidad. Ang art film ay masining, at ang sining ay kalayaan, kaya dito inaasahan ang mga eksenang hindi nararapat na makita sa commercial viewing. Dahil nga makatotohanan, pinapakita ng gay films ang kung ano ang tunay na nangyayari sa relasyong lalake sa lalake – sa aspetong pag-ibig man o sa pakikipagtalik.
Walang masama kung ipakita ng “gay film” ang ilang mga tagpo sa mundo ng same sex relationship at romance. Walang masama kung pinili ng ilang mga lumalabas dito (karamiha’y mga kabataang lalaki) ang makita ang kanilang mga katawan sa ngalan ng makatotohanang pagpapakita ng katotohanan. Walang masama sa paggawa ng gay films sa ngalan ng sining at hindi sa ngalan ng kamunduhan o pagkakakitaan.
Bakit maraming nagsasabi na pornograpiya ang gay film? Dahil marami sa mga gumagawa ng gay film ang umaabuso sa limitasyon ng sining. Oo, kahit ang kalayaan ay may limitasyon at ito ang hindi dapat na inaabuso. Ang sining ay nakalagay lamang sa mga eksklusibong lugar – pribado at pinangangalagaan. Kaya marami sa mga gay film ay hinahain lamang sa mga kompetisyon ng mga pelikula at ipinapalabas lamang sa mga sentrong pangkalinangan tulad ng CCP. Pero anong nangyayari? Nakita mo silang ibinebenta nang tago sa mga tindahan ng pirated DVD stalls sa kahit saan, at pakalat-kalat at nalalantad sa Youtube – at hindi lang trailer ang naroon kundi mismong buong pelikula.
Nirerespeto ang sining. Hindi ginagamit para magpasikat. Nakakagalit sa bahagi ng LGBT na ang pag-uuganay sa kung anumang gawin ng ikatlong lahi ay kabastusan. Pero kung may mga tulad ng iba na umaabuso at naglilibog sa sining ng gay film, hindi na akong magtataka kung bakit ito dinidikit sa pornograpiya.
Magkagayunman, para sa akin, ang gay film ay hindi pornograpiya. Ito ay sining. Ito ay kalayaan. At ito rin sana ang matanto ng iba pang nagbabalak na gumawa ng gay film.
August 17, 2010 5:15pm
LemOrven
In my opinion, a movie that is considered pornography if there are sexual acts, whether soft core or hardcore. Kahit nga mga simpleng halikan ng nag-iibigan lang sa isang eksena considered nang [softcore] pornography eh! lalo pa kaya yung gay films like “Ang Lihim ni Antonio”. Ewan ko kung paano kinihanan yung eksena ng lalaking nagngangalang Antonio at saka yung tiyuhin niya habang sila ay nagsusubuan ng ano…
Gay films are art [dahil sa istorya], na may halong pornography, of course.
salamat po sa reaksyon @kasandro! =D