Si Manong Drayber at Ang Grupo Ng Mga Koreano…

Kanina lamang ay tumungo ako sa Evangelista-Puyat para kunin ang pinagawa naming component. (ngayon ay nasa pagitan na ng alas-singko at alas-singko y medya na ng hapon) Mula Divisoria ay sumakay ako ng jeep na biyaheng Quiapo-Avenida at sa unahan ako sumakay.

Normal nang tanawin sa Divisoria ang bigat ng trapik dahil sa dami ng tao, dami ng vendor, dami ng jeep, dami ng mga pulubi’t Badjao na parang hawak ng isang sindikato; dami ng nangingikil na kung sinu-sinong mukhang mga papatay ng tao; at iilang traffic enforcer na pinipilit ang sarili na maging kapaki-pakinabang na traffic enforcer. Inabot yata ng halos kinse hanggang trenta minutos bago bumungad ang jeep sa kanto ng Recto at Reina Regente.

Habang naghihintay na makatawid ang jeep sa Reina Regente ay napansin ko ang isang grupo ng mga kabataang Korean na nagdidiskusyunan sa sidewalk, sa gilid ng BDO. Ilang sandali lang ay lumapit ang isa sa kanila na medyo marunong ng Tagalog at tinanong ang driver ng jeep na aking sinasakyan kung saan sila makakasakay ng papuntang Intramuros. Sisingit sana ako sa pagsagot pero parang unethical naman kung gagawin ko yun, kahit alam ko ang sagot. Nag-isip si manong ng halos sampung segundo (binilang ko yun) at saka sumagot.

“Naku, walang direchong ganun dito. Dun na kayo sa sumakay sa Avenida. Dito na kayo sumakay.”

Mabilis akong tumingin kay Manong at nakita ko agad na hindi siya nagsasabi ng totoo. Ang mga jeep na parutang Baclaran-Mabini at City Hall-Lawton ay dumadaan sa Intramuros,pero mas inisip niya pa rin ang kanyang hanapbuhay. Tama rin naman ang sinabi niyang may pa-Intramuros sa Avenida – kung saan doon rin ang daan niya. Nag-isip nang ilang sandali ang grupo ng mga Koreano, pero agad din silang sumakay sa jeep na aking sinasakyan bago isenyas ng traffic enforcer ang kanyang kamay.

Hindi ko masasabing mali ang ginawa ni manong drayber dahil ginawa niya lamang din ito para kumita — wala rin namang masama roon,

Sa kabilang banda, Kung sinabi niya na may sakayang dadaan mismo sa Intramuros mula Divisoria ay isang sakay lamang ang gagawin ng mga Koreano papunta sa kanilang destinasyon. At isa pa, maling isahan natin ang mga dayuhan nating kaibigan, porke’t kaya nilang magbayad ng pamasahe at wala silang nalalaman sa kanilang pupuntahan. Masaya silang lumilibot sa ating bansa at malaki ang naitutulong nila sa turismo natin. Nararapat din naman na bigyan natin sila ng tamang pagtrato upang maganda naman din ang maikuwento nila sa kanilang mga kababayan pag-uwi nila sa kani-kanilang bansa.

Hindi na sana ako makakita ng ganoong eksena, dahil baka mapaaway ako. Haha!

PS: Kasabay ko silang bumaba ng Quiapo dahil sinabi ng drayber na mas madaling makasakay ng jeep na biyaheng Pier Dos at sumunod naman sila kay manong. Nakita ko silang naghihintay sa gilid ng simbahan at nakita din naman nila ako. Ngumiti ako at sinabing… “Keep safe and enjoy Intramuros.” =)

Repost from my Facebook Account

August 09, 2010 5:33pm
LemOrven

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s