I created this poem because of boredom… So so boredom. And secondly, I badly needed to post anything in here and I have no choice but to get this stupid topic as my subject. LoL! Enjoy!
…
TULA NG HIWALAYAN
.
Buwis-buhay
na pinakintab ng pag-ibig.
Kayamanang turing
kung ipagtanggulan ng
dalawang kamao.
Kinalasag ng mga
nag-aalab na
puso’t kaluluwa
mula sa nagmamalinis
na mga asal-taeng mga kauri.
Lahat ay ginawa
para sa paninindigan,
laban sa pang-aalimura.
Ngunit tila hindi naging
sapat ang nararapat.
Higpit ng hawak-kamay
ay pinalambot ng
panghihinayang,
ng pagdududa’t
pagkukulang.
Pinakupas ng pagkarupok
ang ginintuang simbulo ng
pinagpagurang pakikipaglaban
sa lipunang mapanghatol –
.
hanggang sa
nabuwag na ang pagkakahawak
at ang pares ng singsing ay lumuwag –
nahulog –
natunaw –
nilamon na nang kawalan…
.
July 07, 2010 10:24am
LemOrven